Ulag (15)
(Kasaysayan ni L.B.G.)
MARAMI pang nalaman si Sam tung-kol kay Nellie. Naikuwento raw ni Nellie na binubugbog siya ng asawang Briton. Tinanong daw ni Sam kung ano ang dahilan at binubugbog siya, hindi naman daw masabi ni Nellie.
“Kaya pala meron kang pasa sa braso noong una kitang makita.”
“Oo.”
“Walanghiya naman pala ang asawa mong Briton.”
“Walanghiya talaga, Sam. Kung makakatakas lang ako rito sa
“Ba’t hindi mo gawin?”
“Natatakot ako.”
Nagtawa si Sam.
“Pero dito sa ginagawa natin e hindi ka natatakot.”
“Kasi’y alam kong wala siya.”
“E di tutulungan kitang makatakas, Nellie.”
“Mahirap Sam. Baka mapahamak ka pa. Delikado.”
“E di para mo na ring sinabi na titiisin mo na lang ang lahat ng sakit sa panggugulpi.”
“Kaya namang pagtiisan. Nasanay na ako.”
“Ngayon lang ako na kakita ng katulad mo.”
“At saka ayaw kong uuwi sa amin sa ganyang kalagayan. Nakakahiya. Balitang-balita pa naman na nakapag-asawa ako ng foreigner tapos ay big-la akong uuwi. Siyempre ang mga tsismosa, uuriratin ako. Hanggang sa kalkalin na pati bituka.”
“So, pagtitiisan mo na lang.”
“Oo, Sam.”
“Naaawa ako sa’yo, Nellie.”
“Huwag mo nga akong kaawaan. Ginusto ko ito kaya pagtiyagaan.”
Minsang magnakaw uli sila ng sandali sa bahay ni Nellie ay may ipinakiusap si Nellie.
“Ipakidala mo na naman para sa door-to-door ang perang ito para sa nanay ko. Kasi hinihigpitan na talaga ako ni Tom. Kailangan kasi ng nanay ko ang pera dahil may sakit.”
“Magkano ‘to Nellie?”
“Five hundred dollars.”
“Mabuti hindi na-man mahigpit sa pera ang asawa mo?”
“Medyo mahigpit na pero kinukupitan ko. Alam ko kung nasaan ang pera niya.”
Napatawa raw si Sam sa sinabi ni Nellie.
“Kung hindi ako mangungupit walang mangyayari sa akin, Sam.”
Ipinadala raw ni Sam ang pera sa door-to-door. Iyon daw ang pinaka tulong niya kay Nellie.
“Ano kaya kung hindi tayo nagkaroon ng relasyon Sam? Siguro napakalungkot ng buhay ko.”
“Kung bakit kasi ang hilig sa dayuhan,” himig paninisi raw ni Sam kay Nellie.
“Malay ko ba kung ganyan pala ang ugali ng Briton na ‘yan.”
“
“Huwag mo nga akong sisihin dahil wala nang magagawa, pa, Sam.”
“Naaawa nga ako sa’yo.”
Ngumiti raw si Nellie.
“Huwag mong sabihin na umiibig ka sa akin?”
Hindi raw agad nakasagot si Sam. At parang ganoon na nga raw ang nararamdaman niya kay Nellie. Umiibig siya sa babaing ito.
“E kung tumakas ka na at tayong dalawa na ang magsama, Nellie?”
Hindi raw naman nakasagot si Nellie. Nabigla rin.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending