(Kasaysayan ni L.B.G.)
GRABE yung si Tanda, Bro. Mahigit nang 50 pero mahilig pa. Gusto e iba’t ibang posisyon…”
Patuloy sa pagkukuwento si Sam at naaaliw ako.
“Paano kayo nagkarelasyon?”
“Gusto mo nang X-rated ha?”
Nagtawa ako.
“Ikuwento mo, Sam.”
“Ganito yun Bro. Nagpunta ako sa RKH para magpatingin ng blood pressure. Puwede naman tayo dahil under ng government ang kompan ya natin. Siyempre, nakapostura ako nun. Huwebes noon. Bale ang pagpunta ko roon e dalawang bagay, para magpa-blood pressure at mang-hunting na rin ng p…i”
Nagtawa ako. Loko talaga si Sam.
“E marami palang Pinay nurse sa RKH. Una kong nakita yan si Tanda. Seksi pa naman kahit na nga mahigit pang 50. At me itsura rin naman ang mukha. Puwede nang pagtiyagaan. Sa kanya ako nagtanong kung maaari ba akong magpa-BP.
“Sagot niya’y puwede. Tinanong kung saan akong kompanya connected. Sinabi ko. Puwede raw. E di ganoon na nga, inalam niya ang BP. 120 over 80. Normal daw iyon. Huwag daw akong matakot at hindi ako high blood.
“Tinanong ko kung ano ang pangalan niya, Mita raw. Ako naman ang tinanong kung ano ang pangalan ko, sinabi ko.
“Tinanong ko siya kung ilang taon na sa ospital na iyon. Magsasampung taon na raw. Tinanong ko kung may asawa. Sagot ba naman ay “obvious ba? Mahigit na akong fifty ’no?” Sabi ko’y hindi siya halatang 50. Medyo nasiyahan yata at ang sabi sa akin e masarap daw akong kakuwentuhan. Biniro ko, sabi ko’y masarap din akong kakuwentu—. Sabi ba naman, “ay bastos mo naman Sam”.
Sabi ko totoo iyon. Maniniwala ka ba Bro na ng gabi ring iyon ng Huwebes ay nadale ko si Tanda?
“Owww!”
“Walang biro, Bro. Sa tinutuluyan pa niyang villa kami nag-ano…”
Bilib na ako kay Sam. Mabilis talaga sa babae. Hindi pa tapos ang kuwento niya. Marami pa siyang sinabi tungkol kay Tanda.
(Itutuloy)