^

True Confessions

Ellang (Wakas)

- Ronnie M. Halos -

(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)

HINDI ko alam kung ga­ano ako katagal na nahim­bing. Basta nang magmu­lat ako, nasa kuwarto na ako ng ospital at nakaupo sa gilid ng kamang kinahi­hi­gaan ko si Dolfo at naka­tingin sa akin. Nang ilibot ko ang aking paningin, na­kita ko si Angela, Inay at Nanay Encar na nasa ma­ha­bang bangko na malapit sa pintuan. Katamtaman ang laki ng kuwarto. Solo ko ang kuwarto. Kumpleto iyon. May TV at ref. Sigu­ro’y mahal ang bayad ba­wat araw sa kuwarto.

“Salamat at nakaraos ka nang maayos, Ellang. Kanina habang hindi ka pa nanganganak, talagang dasal ako nang dasal sa chapel ng ospital na ito…”

“Salamat, Dolfo,” sabi kong pabulong. Mahina pa ang boses ko. Ganun nga siguro ang bagong panganak.

“Mamaya-maya raw ay puwede nang silipin ang baby sa nursery. Babae ang baby natin, Ellang.”

Bigla akong napaluha sa sinabi ni Dolfo. Tala­gang inaangkin niyang anak niya ang isinilang ko. Mahal na mahal talaga niya ako.

“Huwag ka nang umiyak at baka mabinat ka pa.”

Lumapit sa akin si Angela at hinalikan ako sa pisngi.

“I love you, Mommy.”

“I love you too, Angela.”

Lumapit si Inay at Nanay Encar sa akin. Hinawakan ni Nanay Encar ang kanang palad ko at pinisil.

“Mahal ka talaga ng Di­yos, Ellang. Ngayon ay kum­pleto na ang kaligayahan mo. May mabuting asawa  at may anak pa — dala­wang babae.”

Nakangiti naman si Inay sa akin. Saka may naalala ito.

“Tumawag nga pala sa cell phone mo si Sister Cynth. Pauwi raw sila next week mula Riyadh. Dito   raw sila magbabakasyon  sa Pambisan.”

“Ano pa pong sinabi?”

“Kinukumusta ka at si Dolfo. Alam na pala nila na narito na si Dolfo. Sinabi raw ng kasamahan doon. At ang balita, maaari pa raw makuha ni Dolfo ang severance pay daw. Pero kung babalik daw si Dolfo sa kompanya, tatanggapin pa rin siya.”

Natuwa naman si Dolfo.

“Kung babalik ako, Ellang, papayagan mo ako?” ta­nong sa akin na para bang naninimbang.

“Parang ayaw ko nang bumalik ka roon, Dolfo?”

“E paano tayo mabubu­hay? Dalawa ang anak natin?”

Biglang sumabad si Na­nay Encar.

“Hindi kayo magugutom dito sa Pambisan. Dito na kayo at bibigyan ko ng tra­baho si Dolfo. Plano ng anak kong nasa Sydney na mag-invest dito. O kung hindi man iyon, maaaring bumili ako ng FX para maibiyahe mula Pinalamayan hanggang Calapan. Dito na kayo para sama-sama tayo. Matutuwa siguro ang mga anak ko dahil mayroon akong maka­kasama rito.”

Sumapit ang alas nuwe­be. Viewing time. Nagtungo na sina Dolfo, Angela at Nanay Encar sa nursery. Si Inay ay naiwan at binanta­yan ako.

Makaraang ang kalaha­ting oras ay bumalik na ang tatlo. Masayang-masaya.

“Naku siguradong puwe­deng artista ang anak mo Ellang. Kahit na sanggol pa lang e halatang maganda na. Ay Diyos ko at napakani­pis ng lips, matangos ang ilong, pinumpino ang kutis. Baka mas maganda pa kay Yasmien Kurdi ang anak mo.”

Ganundin ang komento ni Dolfo at Angela.

“Ang ganda po niya, Mom­­ my. Puwede po sigu­ro siyang artista,” sabi ni Angela.

“Naisip ko, Ellang isa­bay natin ang binyag sa kasal natin. Puwede ba’yon?”

Si Nanay Encar ang su­magot. “Oo naman.” Pag­katapos ay tinanong kung ano ang balak kong ipa­ngalan sa baby.

“Marienella,” sagot ko.

“Ay ang ganda. Bagay sa kanya, Ellang. Paano mo naisip ang pangalan?”

“Kinuha ko rin po sa name ko. Okey ba yon Dolfo?”

Nag-thumbs up si Dol­fo. At saka nilapitan ako    at hinalikan sa labi.

(BUKAS ABANGAN ANG ISA PANG KAPANA-PANABIK NA KASAY­SAYAN NA PINAMA­GA­TANG “ULAG”. BUHAT PA RIN SA PANULAT NI RONNIE M. HALOS. IPINAAABOT  NG AWTOR ANG PASASALAMAT SA LAHAT NANG TUMANGKILIK SA “ELLANG”.)

vuukle comment

AKO

DOLFO

ELLANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with