Ellang (146)
(Kasaysayan ni M.R.A. ng
“HOY halina kayo at luto na ang meryendang pinaltok!”
Nagulat kami ni Dolfo nang marinig ang tawag ni Nanay Encar mula sa kusina.
Dahan-dahan kong inalis ang naka hilig na ulo ni Angela sa aking balikat at ibinaba sa sopa. Inayos ko ang pagkakahiga niya sa sopa. Sarap na sarap sa pagtulog ang anak ni Dolfo.
“Napagod siya sa biyahe, Dolfo. Kawawa naman.”
“Habang patungo kami rito, walang tigil sa pagtatanong sa akin kung mabait ka raw. Sagot ko ay walang kasing-bait.”
“Binobola mo lang yata ako, Dolfo.”
“Hindi. Ba’t naman kita bobolahin.”
“Siya nga pala, paano ang trabaho mo sa
“Wala akong paki kung i-AWOL nila ako. Basta masaya ako ngayon at kapiling kita. Hindi na tayo maghihiwalay.”
“E di sayang naman ang separation pay mo. Ang tagal mo na sa kompanya di ba?”
“Mas mahalaga ka kaysa pera, Ellang.”
Natuwa ako sa sinabi ni Dolfo. Talagang siya na nga ang lalaking makakasama ko habambuhay.
Muli naming narinig ang tawag ni Nanay Encar mula sa kusina.
“Ellang, Dolfo, halina kayo at lalamig ang pinaltok. Masarap iri kapag mainit.”
“Nandiyan na po Nanay Encar.”
Nagising naman si Angela. Niyakap ko nang akmang babangon.
“Gusto mo talaga akong maging mommy, Angela?”
“Opo.”
Hinalikan ko si Angela. Naibulong ko na ituturing ko siyang tunay na anak.
Madaling-araw ay nakaramdam ako ng hilab ng tiyan. Si Dolfo na katabi ko sa higaan ang aking tinapik.
“Dolfo manganganak na yata ako! Ang sakit ng tiyan ko!”
(Itutuloy)
- Latest
- Trending