Ellang (141)

(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)

PERO walang naiba­lita si Sister Cynth sa akin tungkol kay Dolfo nang muling tumawag mula sa Riyadh. Ma­lungkot si Sister Cynth sapagkat walang mai­balitang maganda.

“Sabi ng isang ka­samahan ni Dolfo na nakausap ko, wala raw man lang tawag. Kaya na-AWOL na si Dolfo. Sayang ang mahabang taon niya sa kompanya, Sister Ellang.”

“Ano sa palagay mo Sister Cynth ang dahi­lan at biglang nawala    si Dolfo?”

“May hinala ako na may kaugnayan sa ina niya at sa anak niya. Di ba hiwalay si Dolfo sa asawa. Hula ko, may problema sa custody  ng anak…baka nagka­de­mandahan…”

“Hindi po ganoon ang naiisip ko, Sister Cynth…”

“Ano?”

“Nagkabalikan na po marahil si Dolfo at ang asawa niya.”

Natahimik si Sister Cynth. Nang muling mag­salita ay marahan.

“Kung ganoon nga ang nangyari, ano ang mararamdaman mo, Sister Ellang?”

Hindi ko na kaya ang lahat kaya napahikbi ako. Si Inay na nakahi­ga na sa aking tabi ay biglang kumilos. Tumi­ngin sa akin.

“Alam mo Sister Ellang, kung ako sa’yo huwag mo nang gaa­nong asahan si Dolfo. Ito naman ay payong kapatid. Masyado ka lamang masasaktan kapag umasa ka na babalik pa siya…”

Hindi ako makapag­salita. Pawang paghikbi lamang ako.

“Tutal naman at ma­ayos naman ang kala­gayan mo diyan sa ma­bait na si Nanay Encar, ipalagay mo na ang isip mo. Marami naman kaming tutulong sa iyo. Kasi kung mag-iisip ka, baka maka­sa­ma pa sa iyong baby…”

“Pipilitin ko po Sister Cynth.”

“Kung ang matin-ding nangyari sa’yo ay nalampasan mo, yan pa bang maliit na probl­emang ‘yan ang hindi. Huwag mo nang asa­han pa ang lala­king hindi ka na yata naa­alala…”

“Pipilitin ko po Sister Cynth. Maraming salamat sa payo.”

(Itutuloy)

Show comments