(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)
MABAIT ang Ob-Gyne doctor sa Pinamalayan. Tsinek-ap niya ako. Okey naman daw ang pag- bubuntis ko. Wala raw akong dapat ipag-alala. Aalagaan daw niya ako hanggang sa makapanganak.
Pagkatapos magpacheck-up ay pinasyal kami ni Nanay Encar sa palengke. Bumili kami ng mga prutas at isda. Sabi ni Nanay Encar ka ilangang kumain ako ng mga sariwang prutas at isda para maging malusog ang aking isisi-lang. Naniniwala siyang kapag husto sa sustansiya ang kinakain ng ina, magiging malakas at matalino ang bata.
“Yung mga anak ko, hindi sa pagmamaya-bang ay matatalino. Kasi’y masusustansiya ang kinakain ko. Iyan ang dapat malaman ng mga ina,” sabi ni Nanay Encar.
“Iyan din ang sinasabi ko kay Ellang noon pa,” sabi naman ni Inay.
“Mula ngayon, kakain ka na ng masusustan- siya at tingnan natin pag hindi lumabas na mata-lino at maganda o pogi ang anak mo…”
Bumalik na kami sa Pambisan na halos ma-puno sa groceries, prutas, isda, karne at iba pa ang sasakyan naming Revo. Pang-isang linggo na raw naming pagkain iyon sabi ni Nanay Encar. Sa Linggo na muli ang aming pamimili sa bayan. Ni singko ay hindi kami pinaglabas ni Nanay Encar. Siya raw ang bahala sa lahat at huwag kaming mag-aalala. Nagbiro na marami siya niyon dahil nga sa nakuha niyang pera sa namatay na asawang seaman. Bukod daw doon ay kumikita pa rin siya sa mga pinagbebentahan ng kanyang copras, saging, rambutan at sinturis. Malaki ang kanyang taniman sa Pambisan.
Kinagabihan ay hindi ko inaasahan ang biglang pagtawag ni Sister Cynth. Matutulog na kami ni Inay dakong alas-otso nang biglang mag-ring ang cell phone ko.
“Hello?”
“Sister Ellang! Si Sister Cynth ito.”
“Kumusta po Sister?”
“Mabuti naman.”
“Narito na po kami sa Oriental Mindoro, Sister. Dito po muna kami hanggang sa makapanganak ako.”
“Okey naman ba ang lagay n’yo?”
“Maayos po. Napakabait ng babaing kumukupkop sa amin, Sister.”
“Purihin ang Diyos sa magandang kalagayan mo ngayon Ellang. Kung mayroon ka pang kailangan, e tumawag ka sa akin ha?”
“Opo Sister Cynth. E, Sister, me balita ka po ba kay Dolfo?”
Natigilan si Sister Cynth.
“Wala pa, Sister El lang. Pero minsang tumawag ako sa opisina nila e sinabing baka hin-di na raw bumalik dito si Dolfo…”
Nalungkot si Ellang. Siguro nga ay nagkabalikan na si Dolfo at ang asawa nito.
“Hayaan mo Sister at kapag may nalaman ako kay Dolfo, ay babalitaan kita.”
“Salamat po.”
(Itutuloy)