^

True Confessions

Ellang (132)

- Ronnie M. Halos -

(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)

MINSAN isang gabi ay napa­sukan ako ni Inay sa kuwarto na umiiyak. Naalala ko na naman kasi ang mga nang­yari sa akin sa Ri­yadh. Isa pa, naalala ko rin si Dolfo na ewan ko kung may balak pa akong ha­napin. Imposible ka­sing hindi niya mala­man ang kinaroro­onan ko. Ayaw kong isipin pero palagay ko nga ay wala na siyang balak na ako’y pun­tahan dahil sa nangyari sa akin. Ayaw na niya sa isang tira-tirahan ng Arabo.

“Umiiyak ka na naman, Ellang…” sabi ni Inay. Ikalawang be­ses kasi iyon na nakita niyang umiiyak ako.

“Naalala ko lang kasi Inay si Dolfo.”

“Sabi ko naman sa’yo, bihira na sa mga lalaki ngayon ang nag­to­totoo.”

Napabuntung-hini­nga ako. Pinahid ko ang luha sa pisngi.

“Natutuwa na sana ako dahil sabi mo noon, may nakilala kang lalaki na ma­tino…iyon pala ay ka­tulad din ng iba…”

“Iniisip ko naman Inay na baka may nang­­yari sa kanya. Baka namatay ang nanay niya. Sabi kasi niya, malubha na raw.”

Sana tumawag man lang siya kina Sister Cynth…”

Napabuntung-hini­nga muli ako. Hindi na nga kaya ako pupunta­han ni Dolfo? Hindi na kaya niya ako balak pakisa­mahan?

“Huwag mo na siyang isipin pa Ellang. Tama na ang pag-iisip sa kanya!”

Lumipas ang tatlong buwan. Napansin kong hindi pa ako nireregla. Na­bahala na ako. Ma­lamang buntis ako. Agad kong sinabi iyon sa aking ina.

“Punta tayo sa doctor, Ellang para makasiguro…”

Magulung-magulo ang isipan ko. Kung buntis ako, ano ang mangyayari sa buhay ko?

(Itutuloy)

AKO

CITY

DOLFO

ELLANG

INAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with