(Kasaysayan ni M.R.A ng Riyadh, KSA)
TULALA na ako nang makarating sa diplomatic quarter na kina roroonan ng embassy. Mahinang-mahina at kailangan akong buhatin ng mga tao roon. Mabuti na lamang at sadyang mabait si Sister Cynth at kanyang asawa at inasikaso akong mabuti. Ang mag-asawa ang naglahad sa mga taga-embassy ng nangyari sa akin. Nasa sasakyan pa lamang kami kasi ay nasabi ko na sa mag-asawa ang buong pangyayari.
Sabi ng mga taga-embassy, iimbestigahan ang pangyayari. Magbabayad daw ang may kasalanan. Kahit nanghihina at tulala, naidasal kong sana nga ay magkatotoo ang sinabi nila.
Hindi ko alam ang mga sumunod pa sapagkat na walan ako ng malay o na katulog nang mahimbing.
Nang magising ako ay nasa SWA raw ako. Hindi pa rin ako iniiwan ni Sister Cynth. Huwag daw akong mag-alala at gina gawa nila ang lahat para makakuha ng hustisya. Pero ang nasabi ko kay Sister Cynth, hindi na bale ang sinasabing hustisya, basta makauwi lang ako sa Pinas, okey na sa akin.
“Hayaan mo, Ellang at kami ang bahala.”
Lumipas ang mga araw. Habang tumatagal ay dumarami naman ang mga Pinay na nakatuloy sa SWA — karamihan ay tumakas sa amo. Hindi ako nag-iisa sa kapalaran. Marami rin sa kanila ang tumakas dahil ni-rape ng amo.
Isang linggo pa ang lumipas ay may ibinalita sa akin si Sister Cynth.
“Makakauwi ka na, Ellang.”
Tuwang-tuwa ako.
Bisperas ng pag-uwi ko, may ibinalita na naman sa akin si Sister Cynth.
“Yung amo mong nang-rape sa’yo naak sidente raw sa Abha. Patay na. Nahulog sa bangin ang sasakyan. Iyan ang balita sa akin ng isang taga-embassy…”
Natuwa ako. Maagang naiga-wad ang hustisya sa akin. (Itutuloy)