(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)
MABUTI pa ngang pi natay na ako ng “demonyong” nasa harapan ko kaysa naman habambuhay kong taglayin sa isipan ang mga ginawa niya sa aking kababuyan. Pero walang balak pumatay ang “demonyo”. Nakatingin sa akin habang hawak ang “malakabayong ari” kahit patay na. Maisusumpa ko ang tanawing iyon.
Tinanggal ng de monyo ang tali sa mga kamay ko. Sa pagkakataong iyon kahit pala naiisip mong maghiganti e hindi mo naman magagawa dahil sa takot. Ngayon ko nauunawaan ang mga biktima ng rape na bakit hindi sumigaw, gumawa ng ingay, o kahit na ano pa mang nanakaw ng aten siyon. Hindi iyon magagawa ng isang katulad kong nanginginig sa takot. Kahit pala sabihing may tapang din akong natitira sa dibdib hindi maipakikita ang tapang sa harap ng demonyo. Siguro’y kaiba ako kaysa sa matapang na si Sarah Balabagan na nasaksak ang matandang nang-rape sa kanya sa Abu Dhabi. Siguro’y mas handa si Sarah at ako ay hindi. Gusto ko ring sisihin ang sarili dahil inakala kong hindi ito gagawin sa akin. Akala ko nga anghel ang aking amo — iyon pala ay isang demonyo! Nasilaw ako sa baryang ibinibigay na ang kapalit pala ay ang pagwasak sa “ari” ko.
Wala akong maga-wa kundi ang umiyak. Ang mga luha ko ay masaganang tumulo sa aking nakabuyangyang na dibdib. Nang tangkain kong kumilos ay masakit na masakit ang aking “ari”.
“Hmmmp! Hmmmp!”
Saka lamang inalis ng “demonyo” ang plaster sa aking dibdib.
Pero kahit nang alisin na ang plaster, hindi ko magawang lumaban dahil sa takot. Wala akong maisip na gawin dahil sa pagka-shock.
Makaraan iyon ay umalis na ang demonyong hubad pa. Hindi ko na sinundan ng tingin dahil wala na akong interes pa. Nanatili ako sa pagkakahiga sa kama. Tahimik na umiiyak. Sinubukan kong hugasan ng luha ang masakit na nangyari.
Siguro’y may isang oras bago nagbalik ang aking wisyo. Dahan-dahan kong hinagilap ang aking damit. Hindi talaga ako makakilos. Masakit, makirot ang aking ari. Pinilit kong makapagsuot ng damit.
Nang maisuot ang damit biglang pumu-tok sa aking isip na tumakas. Hindi na ako dapat tumigil dito. Tiyak kong mauulit ang panggagahasa sa akin ng demonyo.
Dahan-dahan kong kinuha sa taguan ang aking cell phone. Tatawagan ko si Sister Cynth. Parang nanlalabo pa ang mga mata kong hilam sa luha at hindi makita sa inbox ang number ni Sister Cynth.
Nang makita ko ang number, saka ko narinig ang mga yabag na papalapit. Bumalik ang demonyo!
(Itutuloy)