Ellang (124)

(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)

DELIKADO ako!  Iyon ang naisip ko. May malis­ya na ang mga tingin at tapik ni Sir sa akin. At ako naman ay tila walang magawa na parang nahihip­ notismo. Siguro’y dahil nagpapakita ng kabaitan at binibigyan ako ng pera. At wala akong lakas ng loob magtanong kung para saan at binibigyan niya ako. Para kaya maku­ha ang loob ko?

Nagbalik sa kuwarto si Sir at paglabas ay dala na ang isang maleta. Tiyak na mga damit ni Madam iyon.

Nagpaalam si Sir na patungo sa ospital sa­pagkat kailangan ang mga damit. Iniwan ang mga bata na noon ay tulug na tulog pa.

Kinabukasan na ng umaga dumating si Sir. Nagtaka ako nang ang dalawang bata naman ang dalhin. Ipaglagay ko raw ng mga damit sa maleta. Sinunod ko. Hindi ko na tinanong kung bakit. Inilagay niya sa crib ang bunsong anak at isinakay sa Suburvan. Walang ibang sinabi si Sir at basta na lamang umalis. Nai­wan akong nagtataka.

Nang makaalis si Sir at mga bata ay ti­nangka kong tumawag sa telepono kina Sister Cynth. Ang landline ang ginamit ko. Sa pag-uusap namin ni Sister Cynth ay nabanggit ko ang tungkol sa balak kong pag-uwi na sa Pinas. Nasabi ko rin na mag­nobyo na kami ni Dolfo. Binanggit ko na hindi na maganda ang treatment sa akin ng amo kong   babae.

“Gawin mo ang pasya mo, Ellang. Kung me maitutulong ako tawag ka lang.”

“Salamat Sister.”

Kinagabihan ay maaga akong natulog. Kinandado ko ang mga pinto.

Madaling-araw ay naram­da­man kong dumating si Sir. Nari­nig ko ang sasakyan. Hindi na ako bumangon. May susi naman siya.

(Itutuloy)

Show comments