Ellang (123)
(Kasaysayan ni M.R.A. ng
“LA! Muskila!”
Hindi raw puwede. Malaking problema.
Nangatwiran ako kay Sir na tapos na ang aking kontrata at maaari na akong umuwi.
Pero
Biglang tumayo si Sir at pumasok sa kuwarto. Ang dalawang bata ay kasalukuyan noong natutulog sa kuwarto. Naiwan akong nagtataka. Naisip ko, siguro’y masyado lamang problema- do dahil nasa ospital si Madam. Baka masama ang lagay ni Madam.
Naisip ko, masama yata ang timing ng pagsasabi ko dahil may proble- ma si Sir. Sa halip na mapabuti ay napasama dahil maraming iniisip si Sir. Pero ang pagkakataong ito lamang ang alam kong paraan para makapagsabi kay Sir. Hindi ko na hihintayin pang lumabas si Madam at baka lalo lamang akong hindi ako payagan. Alam ko kasing si Sir lamang ang nakaaalam ng aking damdamin.
Ang hindi ko inaasahan ay nang lumabas si Sir at tinawag ako.
“Taa’l hena, Ellang,” sabi nito. Lumapit ako. Sabi niya na pag-iisipan daw niya ang sinabi kong pag-alis. Huwag daw ngayon dahil nasa ospital si Madam. Muskila raw.
“Mafi muskila, Ellang?”
Hindi ako makasagot. Pero nabagbag ang loob ko sa marahan niyang pakiusap. At pumayag ako na huwag munang umalis.
“Mafi muskila, Moder.”
“Shokran, Ellang!”
At hindi ko inaasahan na kumuha ng pera si Sir sa kanyang pitaka at ibinigay sa akin. Hindi ko alam kung magkano.
Pero hindi ko tinanggap. Ano iyon, suhol dahil hindi ko na itutuloy ang balak na pag-alis?
“Mafi muskila, Ellang…”
At aywan ko ba kung bakit malambot ang ilong ko kapag ganoon na ang usapan. Nang pilit inaabot sa akin ang pera ay tila ako isang sunud-sunuran at na-hipnotismo na tinanggap ang pera.
“Kuwayes Ellang. Kuwayes!”
At ang hindi ko inaasahan ay ang pagtapik niya sa aking puwet. Manipis ang aking damit kaya nadama niya ang umbok at kurba ng aking puwet!
“Kuwayes!”
At nakita kong may nakabukol na sa harapan ni Sir. Ano ‘yon? Iyon ba ang “malakabayo”?
At naalala ko ang nakita sa loob ng bodega isang madaling-araw. “Malakabayong ari” na nilalaro ng amo kong ito. Ngayon ay tila nag-aalma ang “malakabayo” na nasa aking harapan. Napausal ako ng dasal. Tulungan mo ako Diyos ko!
(Itutuloy)
- Latest
- Trending