Ellang (ika-122 na labas)
(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)
MARAMING naglaro sa aking isipan makaraang isugod sa ospital si Madam. Hindi kaya dinugo dahil sobra ang laki ng “maysakabayong” bahagi ni Sir. Hindi nakaya ni Madam. Ako ay makapagpapatunay sapagkat nakita ko na. Totoo ang mga bali-balita na ang mga Arabo ay may malalaking “hinaharap”. Hindi lamang kuwentong barbero iyon. Masusugatan talaga ang babae kapag ganoon ka-laki ang tumimo. O baka naman masyado lamang malikot ang guniguni ko. Malay ko ba na kaya dinugo si Madam ay dahil may ininom na gamot at nagkaroon ng komplikasyon. Maraming maaaring nangyari.
Sa dakong huli ay bakit ba mamumroblema ako kay Madam. Mabuti nga. Kung hindi
Nang oras ding iyon ay nagpasya ako na pagdating ni Dolfo galing sa Pilipinas ay sasabihin ko sa kanyang payag na ako sa balak niyang magsama na kami. Aalis na ako sa mga amo. Tutal naman ay tapos na rin ang dalawang taong kontrata ko.
Bukas na bukas din ay magpapaalam na ako kay Sir.
Hindi ko na hihintayin pang maltratuhin ako ni Madam. Baka kung ano pa ang mangyari sa akin.
Umaga na dumating si Sir. Muskila raw si Madam. Matatagalan pa sa ospital. Grabe raw ang pagdurugo. Hindi naman sinabi kung bakit.
Hindi na ako nagpa tumpik-tumpik pa at sinabi ko na ang balak na pag-alis sa kanila.
Napataas ang mga kilay ni Sir sa sinabi ko.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending