Ellang(85)

(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)

HABANG tumatagal ay marami akong na­papansin sa pa­mang­kin ni Madam na si Rashid. Aywan ko kung nag-iisip la­mang ako ng masa­ma kay Rashid pero may hi­nala akong  ang paki­kipag­barka­da niya ay lalong nag­padagdag sa kan­yang kaka­ibang ugali. Guma­gaspang nang guma­gaspang ang ugali.   At dahil dito ay lalo akong dumidis­tansiya sa kanya. Ni hindi ako nakikipag-usap. Kapag may tinata-    n­ong sa akin ay hindi ako gaanong lumala­pit. Hindi ko nalilimu­tan ang paalala ni  Sister Cynth at Bro. Ben na doblehin ang pag-iingat. At maski nga ang bagong kaki­lala kong si Dolfo ay nagpaalala rin na mag-ingat ako.

Sabi ni Sister Cynth, paggrabe nang pag­grabe ang mga krimen o kasong kinasa­sang­kutan ng mga lalaking tinedyer sa kasaluku­yan. At idinagdag pa, natututo nang tumikim ng droga ang mga ka­bataan. Sa kabila raw na mahigpit sa bansang ito nakalulusot pa rin ang droga. Karamihan daw ng drugs ay ipinu­puslit ng mga Pakistani. Karaniwang inilalagay ang droga sa mga da­mit ng bata o anak na kasama nila. Itinatahi sa bulsa ng pantalon o sa laylayan ng damit ng batang babae. Mara­ming nakalulusot na droga.

Alam ni Sister Cynth dahil isa siyang nurse. Mas maraming balita na dumarating sa ospital. At ang sabi pa ni Sister, maraming naaaksi­den­teng tinedyer sa sasak­yan. Mga walang pa­kun­dangan kung mag­maneho kaya naman kapag nabangga ay lasug-lasog ang kata­wan. Araw-araw daw  ay may nangyayaring car accident. At ang mga tinedyer na sang­kot sa accident ay lango sa alak o droga.

Sabi naman ni Bro. Ben, mga tarantado, bas­tos at walanghiya ang mga tinedyer na lalaki. Mismo raw si  Bro. Ben ay nabiktima ng tatlong tinedyer.  Nag­la­lakad daw isang hapon si Bro. Ben nang bigla ay may nakita siyang tatlong tinedyer na na­kasakay sa kotse at mabagal ang pagtak­bo sa likuran niya. Tu­mabi raw si Bro. Ben    at baka sagasaan siya. Nang walang anu-ano’y bigla raw inilabas ng isang tinedyer ang ulo sa bin­tana ng kotse at pagta­pat sa naglalakad na si Bro. Ben ay hi­nam­pas siya sa tagili-ran ng ma­tigas na ba­gay. Dala­wang matitin­ding ham­pas daw ang dumapo sa tagiliran ni Bro. Ben at napaaring­king siya sa sakit. Pag­katapos ay mabilis na pinasibad ang kotse. Nagtata­wa­nan pa ang mga wa­lang­hiyang ti­nedyer. Mula raw noon ay nag-iingat na si Bro. Ben sa paglalakad sa kal­sada.

Tumitikim na kaya ng droga o alak si Ra­shid at ganoon ang uga­li? Hindi ko masiguro dahil pagdating sa bahay ay sa kanyang kuwarto agad nagtutungo. May pagkakataong paiiya-kin ang alaga kong si Abdulatiff. Kung anu-anong kalokohan ang gagawin kay Abdulatiff at kapag umiiyak na   ay kung anu-ano ang sina­sabing hindi ko naman maintindihan. Minu­mura niya ang walang muwang na si Abdula­tiff. Parang sira na ang ulo ni Rashid. Kapag ayaw tumigil si Abdu­latiff ay inaam­bahan na sasam-palin at minsan pa ay ak­mang dudu­ra­an. Ako naman ay hindi makakilos para sa­wayin siya at baka ako naman ang pag­ba­lingan.

Minsang naghaha­nap ako ng isusuot na panty ay kung bakit hindi ko makita ang aking paborito. Ilang beses ko nang hina­lungkat ang aking cabinet at ang aking maleta. Wala! Luma­bas ako at tiningnan sa sampayan sa likod bahay at baka naiwan ko roon. Wala rin. Hin­di ko malaman kung saan nailagay ang itim na bikini panty.

(Itutuloy)

Show comments