(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)
MASIGLA ang katawan ko ng umaga ng Biyernes na iyon. Maaga akong gumising (sabagay lagi naman dahil sa maraming gawaing bahay) at nag-ayos ng sarili para sa pagdalo ko sa ikalimang anibersaryo ng church. Palibhasa nga’y maraming beses na hindi ako nakadalo kaya excited ako. “Uhaw na uhaw” ako sa mga salita ng Di-yos at ganoon din sa mga masasaganang pananalita ng mga pastor na kinabibilangan nina Bro. Ben.
Kagaya ng nakaugalian, naglakad muna ako ng may isang kanto mula sa bahay at saka tumawag ng taksi. Mahirap nang may makakita at masundan ako. Nagtataka naman ako sa sarili ko kung bakit naging ganoon katapang basta rin lamang dadalo sa pagtitipon sa church. Siguro’y ginagabayan ako ng Diyos. Bihira marahil ang DH na katulad ko na magagawang dumalo sa isang bahay na pagdarausan ng pagtitipong may kinalaman sa relihiyon na mahigpit na ipinagbabawal.
Nakarating ako nang ligtas sa bahay na iyon sa may Shoula. Marami nang tao sa loob. May mga mag-asawa, magpapamilya at siyempre may mga single na tulad ko.
Narinig ko naman ang tugtog ng gitara at awiting nakaka-bless. Iyon ang isa pa sa hi-nahanap ko — ang makarinig ng nakaka-inspired na awit.
“Salamat at nakarating ka Sister,” sabi ni Sister Cynth sa akin.
“Oo nga po, Sister. Nagpapasalamat ako sa Diyos.”
“Halika rito sa loob at ipakikilala kita sa mga bagong dalo.”
Pumasok kami sa malaking kuwarto. Siguro ay may 15 o 20 ang lalaki at babae na naroon.
Isa-isang ipinaki-lala sa akin ni Sister Cynth ang mga bagong dalo.
Isa sa mga lala king naroon ang titig na titig sa akin. Nang ipakilala ay nalaman kong siya si Rodolfo.
Hindi kaguwapuhan pero sa tipo ay mabait. Nakangiti sa akin si Rodolfo kaya ginanti ko rin ng ngiti. At madalas na mahuli kong tumitingin sa akin. Kunwari naman ay hindi ko pansin.
(Itutuloy)