(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)
GUMAGAWA ako ng mul to na ako rin ang natatakot. Wala pa namang ginagawa sa akin si Rashid ay kung anu-ano na ang aking naiisip. At naisip ko rin, ngayon pa bang “nakahawak” na ako sa Di-yos saka ako matatakot. Hindi ba’t walang dapat ipangamba kung nakahawak sa Diyos?
Sabi nga ni Bro. Ben nang magsalita sa una kong pagdalo sa pagtitipon sa kanilang bahay sa may Shoula, walang dapat ipangamba ang isang nananalig at naniniwala kay Jesus. Sa kanya humawak at hindi maliligaw ng landas. Ang mga pananalitang iyon ang nagbigay ng lakas sa akin para huwag matakot sa binatilyong Saudi na kasama ko sa bahay. Ililigtas Niya ako sa kapahamakan.
Noong unang mga araw na nasa opisina sina Sir at Madam at kaming tatlo, ako, ang alaga kong si Abdulatiff at si Rashid ang nasa bahay ay wala naman akong naging problema. Patuloy ako sa paggawa sa bahay at ni hindi lumalabas ng kuwarto niya si Rashid. Si Abdullatiff na naiiwan ko na sa salas at naglalarong mag-isa ay hindi ko rin gaanong problema. Sinisilip-silip ko lang ito habang ako ay nasa labas at may ginagawa.
Pero nang lumipas ang may isang buwan, nakita kong lumalabas nang mag-isa si Rashid. Makikita kong bubuksan ang gate at saka lalabas at mawawala nang may kalahating oras. Hindi ko naman matanong kung saan galing at baka may ibang ipakahu-lugan sa pagtata-nong ko. Nakadistansiya ako sa kanya dahil mahirap na. Kahit na “nakahawak” na ako sa Diyos, kailangan ko pa ring dagdagan ang pag-iingat.