^

True Confessions

Ellang (ika-78 na labas)

- Ronnie M. Halos -

(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)

GUMAGAWA ako ng mul­ to na ako rin ang natatakot. Wala pa namang  gi­na­gawa sa akin si Rashid ay kung anu-ano na ang aking naiisip. At naisip ko rin, nga­yon pa  bang “na­ka­­hawak” na ako sa Di-yos saka ako matatakot. Hindi ba’t walang dapat ipa­ngam­ba kung nakaha­wak sa Diyos?

Sabi nga ni Bro. Ben nang magsalita sa una  kong pagdalo sa pagtitipon sa  ka­nilang bahay sa may Shoula, walang dapat ipa­ngamba ang isang nana­nalig at naniniwala kay Jesus. Sa kanya humawak at hindi maliligaw ng landas. Ang mga pananalitang iyon ang nagbigay ng lakas sa akin para huwag matakot  sa binatilyong Saudi na kasama ko sa bahay. Ililigtas Niya ako sa kapahamakan.

Noong unang mga araw na nasa opisina sina Sir at Madam at kaming tatlo,  ako, ang alaga kong si Ab­dulatiff at si Rashid ang nasa bahay ay wala naman akong naging problema. Patuloy ako sa paggawa   sa bahay at ni hindi luma­labas ng kuwarto niya si Rashid. Si Abdullatiff na naiiwan ko na sa salas at naglalarong mag-isa ay hindi ko rin gaanong proble­ma. Sinisilip-silip ko lang ito habang ako ay nasa labas at may ginagawa.

Pero nang lumipas ang may isang buwan, nakita kong lumalabas nang mag-isa si Rashid. Makikita kong bubuksan ang gate at saka lalabas at mawawala nang may kalahating oras. Hindi ko naman matanong kung saan galing at baka may ibang ipakahu-lugan sa pagtata-nong ko. Nakadis­tansiya ako sa kanya   dahil mahirap na. Kahit na “naka­hawak” na ako sa Diyos, kaila­ngan ko pa ring dagdagan ang pag-iingat.

AKO

DIYOS

ILILIGTAS NIYA

RASHID

SHY

SI ABDULLATIFF

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with