(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)
SA harap nina Cynth at Ben at naroong mga lalaki at babae —sa tantiya ko ay mga 20 ay sinabi ko ang aking mga naging karana san. Wala akong inilihim. Sinabi kong masyado akong naapi, inabuso ang kabaitan ng lalaking natutuhan ko nang mahalin. Iyon ang dahilan at naisip kong gantihan ang hayop na lalaki.
“Pero siguro ay ma hal ako ng Diyos dahil nakilala ko si Sister Cynth at si Bro. Ben na nagyaya sa akin dito. Nakakita ako ng liwanag. Ngayon ay wala na akong naiisip na masama sa umapi sa akin. Wala na ang bigat dito sa dibdib ko. Nailabas ko na lahat. Siguro pagkatapos ng pagtitipong ito ay lalo pang gagaan ang didbib ko at makakatulog na ako nang mahimbing mamayang gabi… purihin ang Diyos…”
Nagpalakpakan ang mga nasa harap ko. Gusto kong umiyak pero pinigil ko.
Nang matapos ang mga testimonya ay nagkantahan kami ng religious songs. Nakaka-bless talaga. Pagkatapos, isang masarap na tang halian ang aming pinagsaluhan. Pagkatapos niyon, may nagpasa ng walang lamang box ng sapatos. Sa mga gustong magdonasyon. Maraming nagbigay. Mayroong 50, 15, 10 at 5 riyals. Ako ay nagbigay ng 15 riyals.
Natapos ang pagtitipon ng alas-dose.
Masaya akong umuwi. Nasa limousine ako ay para ko pang naririnig ang mga nakaka-bless na awitin sa dinaluhan ko.
Eksaktong ala-dose medya ng tanghali ay nasa bahay ako.
Nasa sala si Sir nang dumating ako. Nakatingin sa akin na parang nagdududa.
(Itutuloy)