Ellang (66)

(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)

SABI ko kay Sir, wala akong problema. Na­ iisip ko lamang ang aking ina sa ‘Pinas. Iyon ang dahilan kaya ako nagsasalitang mag-isa. Napatangu-tango lamang si Sir at umalis na sa harap ko. Ipinag­ patuloy ko naman ang aking ginagawa.

Mula noon iniwasan ko nang kausapin ang aking sarili at baka ma­ pagkamalan pa akong nasisiraan ng isip. Ka­pag gusto kong kau­sapin ang sarili ay nagkukulong na lamang ako sa silid.

Mahigit isang buwan na ang nakararaan ay hin­di ko pa rin matang­ gap ang nangyari. Tala­gang mabigat sa dibdib ko ang ginawa ng hayop na si Pol.

Minsan, isang Biyer­ nes, nagpaalam ako kay Sir na pupunta sa Batha. Ang Batha lang naman ang alam kong puntahan. Palibhasa’y malapit lang ang bahay namin doon kaya mas gusto kong doon magpalipas ng sama ng loob. Wala na­ man akong balak bilihin sa Batha kundi para ma­libang lang. Sabi ko kay Sir ay sandali lamang ako. Mabait talaga si Sir at binigyan pa ako ng pang-limousine.

Palibhasa’y maaga pa kaya hindi pa gaa­nong maraming tao sa Batha. Karaniwang sa gabi, ma­raming Pinoy dito. Nag­kumpol-kumpol  ang mga Pinoy dito at parang mun­ting Pilipi­nas ang Batha.

Naglakad-lakad ako sa silong ng Batha Hotel. Marami ring tindahan dito at nakaaaliw magmasid kahit hindi naman bibili. Ano nga ba ang ibibili ko e wala na nga akong pera. Nasaid na ng wa­langhiyang si Pol.

Nang magsawa ako sa pagmamasid sa mga tinda ay ipinasya kong magtungo sa bilihan ng diyaryo at magasin sa Al-Manhill. Wala pa ring gaanong tao roon kaya nakapamili ako ng mga babasahin. Bumili ako  ng diyaryo at magasin. Mas magandang pam­palipas ng oras. Maa­aring malimutan ko ang nangyaring kasawian.

Pasyal pa ng kaunti sa ilang malalaking tin­dahan doon at bumili ng ilang personal na gamit. Nang makabili ay ipi­nasya ko ng umuwi.

Palabas na ako ng tindahan at bitbit ang mga pinamili nang makita ko ang lalaking iyon na naglalakad. Si Pol! Hindi ako maaa­ring magkamali!

(Itutuloy)

Show comments