Ellang (66)
(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)
SABI ko kay Sir, wala akong problema. Na iisip ko lamang ang aking ina sa ‘Pinas. Iyon ang dahilan kaya ako nagsasalitang mag-isa. Napatangu-tango lamang si Sir at umalis na sa harap ko. Ipinag patuloy ko naman ang aking ginagawa.
Mula noon iniwasan ko nang kausapin ang aking sarili at baka ma pagkamalan pa akong nasisiraan ng isip. Kapag gusto kong kausapin ang sarili ay nagkukulong na lamang ako sa silid.
Mahigit isang buwan na ang nakararaan ay hindi ko pa rin matang gap ang nangyari. Talagang mabigat sa dibdib ko ang ginawa ng hayop na si Pol.
Minsan, isang Biyer nes, nagpaalam ako kay Sir na pupunta sa Batha. Ang Batha lang naman ang alam kong puntahan. Palibhasa’y malapit lang ang bahay namin doon kaya mas gusto kong doon magpalipas ng sama ng loob. Wala na man akong balak bilihin sa Batha kundi para malibang lang. Sabi ko kay Sir ay sandali lamang ako. Mabait talaga si Sir at binigyan pa ako ng pang-limousine.
Palibhasa’y maaga pa kaya hindi pa gaanong maraming tao sa Batha. Karaniwang sa gabi, maraming Pinoy dito. Nagkumpol-kumpol ang mga Pinoy dito at parang munting Pilipinas ang Batha.
Naglakad-lakad ako sa silong ng Batha Hotel. Marami ring tindahan dito at nakaaaliw magmasid kahit hindi naman bibili. Ano nga ba ang ibibili ko e wala na nga akong pera. Nasaid na ng walanghiyang si Pol.
Nang magsawa ako sa pagmamasid sa mga tinda ay ipinasya kong magtungo sa bilihan ng diyaryo at magasin sa Al-Manhill. Wala pa ring gaanong tao roon kaya nakapamili ako ng mga babasahin. Bumili ako ng diyaryo at magasin. Mas magandang pampalipas ng oras. Maaaring malimutan ko ang nangyaring kasawian.
Pasyal pa ng kaunti sa ilang malalaking tindahan doon at bumili ng ilang personal na gamit. Nang makabili ay ipinasya ko ng umuwi.
Palabas na ako ng tindahan at bitbit ang mga pinamili nang makita ko ang lalaking iyon na naglalakad. Si Pol! Hindi ako maaaring magkamali!
(Itutuloy)
- Latest
- Trending