Ellang (ika-64 na labas)
(Kasaysayan ni M.R.A. ng Riyadh, KSA)
ANG isang napansin ko kay Nizza habang ikinukuwento ang mga masasamang pangya yari na dinanas sa walanghiyang si Pol ay kaya niyang tanggapin ang lahat. Sa kabila na hindi niya alam kung buntis nga siya dahil sa ginawa ni Pol, kaya ni yang harapin ang anuman. Hindi siya natatakot.
Hindi ko katulad na masyadong malambot at gustong wakasan na ang lahat dahil lamang sa walang kuwentang lalaki. Mahina ako at hindi tulad ni Nizza.
Sinabi rin ni Nizza sa akin na gusto talaga niya akong bigyang ba-bala noon habang nasa suk at bumibili ng sha warma. Kaya lamang ay umiwas daw ako sa kanya. Sabi ko naman, natakot ako noon dahil ang nasa isip ko ay ipapupulis niya ako o kaya ay ipamo-motawa.
Sabi ni Nizza, gusto niyang ipaalam sa akin na hindi mabuting tao si Pol. Siya raw, matapos maku ha ang pera at alahas ay lagi nang pinagtataguan at tinatakot pang isusumbong sa kanilang moder. Palibhasa’y takot sa batas, kaya hindi na lamang siya lumaban. Pero ngayon daw na nagkaroon na siya ng leksiyon ay hindi na niya magagawa uli iyon. At nakahanda naman siyang tanggapin ang parusa sa kali’t buntis nga siya. Kasalanan niya kaya dapat siyang magdusa.
Nabanggit din sa akin ni Nizza na minsan daw ay pinagnakawan ni Pol ang amo. Hindi na la mang daw niya ito isi numbong dahil binantaan siya nito. Maraming pera raw ang na kuha ni Pol. Pero ang alam din niya, natalo ang perang ninakaw sa sugal. Ma hilig daw sa Thai lotto at sabong si Pol.
Nagpasalamat ako kay Nizza sa mga nalaman kong impormasyon. Sabi niya kapag daw may nalaman pa siyang iba tungkol kay Pol ay sasabihin niya. Pumasyal daw ako sa kanila.
“Shokran, cater, Niz za,” sabi ko at niyakap siya. (Itutuloy)
- Latest
- Trending