Ellang (ika-63 na labas)
(Kasaysayan ni M.R.A. ng
KAHIT na hindi ako gaanong sanay sa Arabic, naintindihan ko rin naman agad ang mga ikinuwento ng Indonesian na si Nizza. Pati pala siya ay naging siyota ni Pol at may natangay din sa kanyang pera at alahas. Ang matinding sinabi ni Nizza ay baka buntis pa siya ngayon. Hindi pa raw siya nagkaka-mens.
Nabola raw siya nang todo ni Pol. Hindi raw niya pinapansin si Pol noon dahil haram ang pakikipag-relasyon ng isang tulad niyang may asawa. Pero dahil sa magaling mambola ay nakuha ang kanyang kiliti.
Una raw na diskarte ni Pol ay tinutulungan siya sa paglalaba, paglilinis ng bahay at kung anu-ano pa. Dahil doon ay nabighani siya. Naging magkaibigan sila. Bago rin lang daw siya rito sa Riyadh. Wala pa ring muwang.
Hanggang sa isang gabi ay naramdaman niyang may kumakatok sa kanyang kuwarto. Si Pol daw. Sa pambobola ay nakapasok sa kuwarto. Mahal na mahal daw siya ni Pol. Sabi pa ni Pol, noon lamang daw siya umibig. Ewan daw ni Niz-za kung bakit siya nagtiwala agad kahit alam niyang may asawa siya sa Jakarta. Bagong kasal lang daw sila ng asawa sa Jakarta.
Hinayaan daw niya si Pol na gawin ang gusto. Inamin ni Nizza na sabik na rin siya sa lalaki. Paano’y kakaunting panahon pa lamang ang naipagsasama nila ng asawa sa Jakarta. Magaling daw si Pol at ang pagkauhaw sa laman ay agad napawi.
Tinanong ko si Nizza kung ilang beses silang magtalik ni Pol. Marami raw. Sa loob daw ng isang araw ay tatlong beses. Inamin ni Nizza na masyado siyang hot. Naisip ko, dahil siguro sa anghang ng kanilang kinakain.
Marami pang kinuwento si Nizza. Kagaya ng panghihiram sa kanya ng pera. Hindi rin ito binayaran ni Pol. Maraming alahas ang natangay sa kanya. Hiniram ang singsing na pasalubong sana niya sa asawa sa Jakarta.
Inungkat ko kung bakit niya ako inaway nang minsang magtungo ako rito at hinahanap si Pol.
Paano’y nagsese-los siya at isa pa para na rin mabigyang babala ako. Nagsisimula na rin daw kasi noon ang panghuhuthot sa kanya ni Pol.
Kaya pala ganoon ang nangyari.
At naitanong ko rin kung nasaan na ang babaing maid na kasama niya rito. Umuwi na raw. Kasi’y pati ito ay balak ding asawahin ni Pol.
Grabe ang walanghiyang si Pol. Manyakis na silahis!
(Itutuloy)
- Latest
- Trending