Ellang (59)
(Kasaysayan ni M.R.A. ng
KINALIMUTAN ko ang tungkol sa Indonesian maid na si Nizza. Sabi rin naman sa akin ni Pol na huwag ko nang intindihin ang maid na iyon. Basta huwag na lang daw akong magpakita kay Nizza.
Pagkalipas pa ng apat na araw saka nag pakita si Pol. Kumatok siya dakong tanghali.
“Nasaan ang pasalubong ko, Pol?”
Bilin ko kasi ay sariwang isda na maaari naming isigang.
Napamaang si Pol. Napakamot sa ulo.
“Nalimutan ko sa Jubail, Ellang.”
“Paanong nalimutan?”
“Naipatong ko ang mga isda sa lababo ng tinirahan namin sa Jubail e biglang nagyayang umuwi ang amo ko. Ayun nasa highway na kami patungo rito nang maalala ko…”
“Sayang. Sabik na sabik pa naman ako sa isda.”
“E di dito na lang tayo bumili. Marami namang isda rito.”
“Hindi na sariwa. Gusto ko sariwa.”
“Hayaan mo at pagbalik namin sa Jubail ay hindi ko na kalilimutan ang isda.”
Dahil sabik kami sa isa’t isa, nagtalik kami ni Pol. Walang ipinagkaiba sa mga ginawa na namin
Nang matapos iyon ay humihingi na naman ng pera si Pol.
Binigyan ko ng 100 riyals.
Nagtataka na ako kung bakit pera na lamang yata ang hangad sa akin ni Pol. Parang “ginagatasan” na lamang yata ako.
Nang sumunod na magkita kami at humingi sa akin ng pera ay hindi ko na binigyan.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending