300 ospital magwewelga

(Kasaysayan ni Cindy ng Pasay City)

HINDI na sa pama­ magitan ng sulat kami nagkaroon ng komu­nikasyon ni Melvin kundi sa cell phone na. Pinayuhan ako ni Mel­vin na bumili ng cell phone para raw lagi niya akong matatawa­gan tungkol sa deve­lopment ng papers ko.

Isang buwan pa ang hinintay ko at du­ mating na ang kinasa­sabikan kong balita mula kay Melvin.

“Your paper is ap­proved. No problem any­more honey….” sabi ni­yang tuwang-tuwa nang  tawagan ako. Pag­kara-an daw ng ilang buwang pag-aayos sa mga docu­ments ko ay naapru­bahan din. Nang tanu­ngin ko kung kailan ako makapupunta sa Tate ay sinabi niyang mga 15 days pa. Isang pirma na lang ang kailangan at maipadadala na niya sa akin ang kopya niyon.

“How about my plane ticket Melvin?”

Wala raw proble-   ma sa ticket sapagkat bukas na bukas din ay bibili siya at aayusun na rin ang booking ng   flight ko.

Nang matapos ka­ ming mag-usap ay halos maglulundag ako sa tuwa. Totoo na ito at hindi ako nananaginip lamang. Labinlimang araw na lamang at makayayapak na ako sa United States.

Kinuha ko sa lalagyan ang aking mga sapatos. Pinili ko roon ang aking isusuot patu­ngong  US. Gusto ko magan­dang-maganda ang aking suot na damit at sapatos.

Pag­karaan nang matagal na panahon ay matu­tupad na rin ang aking matagal na pangarap.

(Itutuloy)

Show comments