Warat na sapatos ni Cinderella (ika-103 na labas)

(Batay sa kasaysayan ni Cindy ng Pasay City)

"TALAGANG ganito ako kapag nakakakita nang makapal ang mukha!"

Sabi ni Jomar na labis kong ikinabigla. Matalim ang tingin niya kay Nanay. Si Patsy ay hindi rin nakapagsalita. Iyon ang unang pagkakataon na nakita niyang lumaban si Jomar sa aking ina.

"Ang kapal ng mukha n’yo. Grabe!"

Nakabawi naman si Nanay sa pagkabigla at dahil likas na matapang at matalas ang dila, nakipagsagutan kay Jomar.

"Putang ina ka batugan, ikaw ang makapal ang mukha. Palamunin ka ng anak ko. Wala kang naibigay na ginhawa sa anak ko. Putang ina ka!"

Ako ang labis na nakadama ng takot sa pangyayaring iyon. Sa lakas ng pagsisigawan ng dalawa, maaaring magising si Melvin at mabisto na ang lihim.

"Nanay, Jomar, tumigil na kayo!"

"Iyang nanay mo ang pampagulo Cindy. Noon pa ako binabastos ng nanay mong iyan at ngayon lamang ako lumaban. Hindi na ako natatakot sa nanay mong makapal ang mukha!"

Lalo lamang nagkagulo. Nagwala na si Nanay at gustong malapitan si Jomar para masaktan.

Pati si Patsy ay nakisigaw na rin para lamang tumigil ang pag-aaway. Ang dasal ko ay huwag sanang magising si Melvin.

(Itutuloy)

Show comments