^

True Confessions

Warat na sapatos ni Cinderella (ika-102 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni Cindy ng Pasay City)

ISANG umaga ay nagulat na lamang ako nang biglang dumating sina Nanay at ang kapatid kong si Patsy. Bago kasi ang schedule nang pagdating ni Melvin ay tinawagan ako sa cell phone ni Patsy. Kinumusta ako kung kailan ang dating ng Kano. Sinabi ko ang tentative date. Sabi ay baka raw sila ma kaluwas ng Maynila. Si Nanay daw ang may gustong lumuwas. Ano pa ang sasabihin ko?

"Kumusta ang Amerikana?" tanong sa akin ni Nanay kahit hindi pa nakapa pasok sa loob.

"Okey lang Nanay."

"Amoy na amoy dollar ka ah?" sabi pa ni Nanay. "Nasaan ang Kano?"

"Nasa itaas po at natutulog."

"Marami bang dalang dollar?"

"Nanay huwag n’yong ilakas ang boses mo at baka may makarinig."

"O ano namang nakakahiya ron?"

Nakisali si Patsy sa usapan. Pinagsabihan din si Nanay.

"Oo nga naman, Nanay huwag mong lakas ang boses at nakakahiya sa kapitbahay…"

"Tumigil ka! Bakit ako mahihiya hindi naman nanghihingi sa kanila?"

Tameme si Patsy.

"Baka makalimutan mo akong bigyan ng dollar ha, Cindy. Ay Diyos ko, makakahawak din ako ng dollar…"

Pagkatapos ay umikot sa kabahayan si Nanay. Iniinspeksiyon ang mga gamit at ang kabuuan. Nakatingala.

"Ang ganda ng bahay mo! Kyut kahit na maliit ang lote. Ang dami mo na talagang dollar!"

Hindi ako sumagot.

"Ilang kuwarto sa itaas?"

"Tatlo po."

"Ang dami. Sino ang mga natutulog dun?"

Sinabi ko.

"Pati ang tamad mong asawa, me kuwarto?"

Napalunok ako. Hanggang sa makarinig ako ng yabag sa hagdan. Inakala kong si Melvin pero si Jomar pala.

"O ayan na pala ang batugan," sabi ni Nanay.

"Nanay naman baka magkagulo e magising si Melvin.

Pababa na si Jomar. At pagkakita kay Nanay ay biglang tumalim ang mga mata.

"O bakit ang talim ng tingin mo sa akin?" tanong ni Nanay. "Para kang kakain ng tao ah!"

(Itutuloy)

AKO

AY DIYOS

CINDY

JOMAR

MELVIN

NANAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with