Warat na sapatos ni Cinderella(80)
April 16, 2007 | 12:00am
(Kasaysayan ni Cindy ng Pasay City)
MATAGAL pa ang anim na buwan at marami pang mangyayari sa loob ng panahong iyon. At gusto ko sanang huwag munang dumating si Melvin Underwood.
Kung noon ay atat na atat na ako sa pagdating niya, kabaligtaran naman ngayon. Parang ayaw ko pang dumating si Melvin. Natatakot ako. Hindi ko yata kaya.
Nang sumapit ang September ay lalo pa akong nakadama ng kaba. Paano’y mabilis nang lumipas ang mga araw kapag sumapit ang buwan ng "ber".
Walang patid ang sulat ni Melvin at ang pagpapadala ng pera. Tamang-tama raw ang pagdating niya sa December sapagkat maiiwasan niya ang malamig na klima sa Virginia. Hindi pa naman nagyeyelo pero patungo na roon. At sa katulad niyang nagkakaedad na, ang malamig na panahon ay isang sakripisyo. Hindi na raw siya sanay sa malamig hindi katulad ng kanyang kabataan na balewala iyon.
At ang isang nakagugulat na sinabi ni Melvin, habang malamig daw sa Virginia, ay dito muna siya sa Pilipinas titigil, baba- lik lamang daw doon kapag normal na ang climate.
Isa pa raw gusto niyang madama ang sarap ng summer na lagi niyang nababalitaan sa mga kababayang niyang nakarating na sa Pilipinas. Marami na raw siyang kababayan na nakarating sa Boracay Island at Puerto Galera. Gusto raw niyang makarating doon. Mag-research na raw ako kung magkano ang magagastos sa pamamalagi sa mga lugar niyang nabanggit. Gusto raw ni-yang makita ang sinasabi at popular na white beach sa Boracay Island at ganoon din sa Puerto.
Agad niyang sinagot ang sulat ni Melvin. Matutupad ang kahilingan nito. Dadalhin niya ito sa bawat lugar sa Pilipinas na ibig marating.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended