Warat na sapatos ni Cinderella (ika-68 na labas)
April 2, 2007 | 12:00am
(Kasaysayan ni Cindy ng Pasay City)
KASUNOD ng pagpapadala ng pera ay ang sulat ni Melvin Underwood ang matatanggap ko. Kinukumpirma kung natanggap ko ang padala niya. Gamitin ko raw ang pera para aking anak at sa lahat ng aking pangangailangan. Darating daw ang panahon at magkikita na kami. Inaayos na raw niya ang mga papeles nang pagpunta niya rito sa Pilipinas. Malalaman ko raw agad kung kailan ang punta niya. Gustung-gusto na raw niyang magkita kami. At binanggit na aasikasuhin din daw niya ang papers para ako maisama na.
Noon ako nakadama ng kaba. Parang napakabilis naman yata. Parang hindi pa ako handa. Bagamat hindi pa siya nagsasabi ng petsa sa pagpunta rito ay nakadarama na ako ng kaba. Paano kung malaman niya na mayroon akong asawa? Paano ang magiging sitwasyon namin ni Jomar habang narito si Melvin Underwood? Siyempre magsasama na kami sa iisang higaan. Aangkinin na niya ang pagkababae ko. At paano ako makatanggi e napakarami na niyang naibigay sa akin?
Pero ang mga isiping iyon ay pansamantala kong kinalimutan. Saka na lamang isipin kapag dumating na sa puntong iyon. Hindi ako dapat matakot agad sa multo.
Medyo naging maluwag na nga kami sa pera mula nang sunud-sunod na magpadala si Melvin at naisip ko na dapat ay padalhan ko rin si Nanay at ang kapatid kong si Patsy. Alam ko, lalambot din ang damdamin ni Nanay kapag nalamang nagkaayos na rin kami ni Melvin at pinadadalhan na nga ako ng pera. Makikinabang din naman siya kapag natuloy na ako sa Tate.
Pinadalhan ko ng P2,000 si Nanay at P1,000 si Patsy. Sabi ko ay sumulat agad sa akin kapag natanggap ang pera.
Dalawang araw ang lumipas ay may sagot agad si Patsy. Sabi sa bahagi ng sulat: Tuwang-tuwa si Nanay at nagkaayos na pala kayo ng kapenpal mong Kano. Hindi na galit sa iyo si Nanay. Kung maaari raw mapadalhan mo siya sa susunod na padala ni Kano kasi marami pa rin daw siyang utang sa Bombay. At saka malaki rin kasi ang ginastos niya sa akin dahil nagkasakit ako noong nakaraang buwan… kumusta na lamang daw kay Jomar at sa anak mong si Cholo.†–Patsy
Wala na ang galit ni Nanay. Iglap lang ay napawi ang malaking galit at iyon ay dahil sa grasyang dulot ni Melvin Underwood. Talagang gustung-gusto ni Nanay na makarating ako sa Tate.
Nang magpadala muli ng pera si Melvin ay pinadalhan ko uli si Nanay. Iyon ay para ganap nang mawala ang hinanakit niya sa akin. Gusto kong malasap din naman nila ni Patsy ang grasyang nakukuha ko sa Kano na aking ka-penpal.
Nang muling sumulat si Patsy ay nagbabalak daw lumuwas si Nanay para naman makita si Cholo. Paano raw ba ang pagluwas sa Maynila at paano makikita ang aming tirahan. Sinabi ko.
Makaraan ang isang linggo ay dumating na si Nanay at Patsy sa aming tirahan.
Nasabik din ako kay nanay at kay Patsy. Niyakap at pinaghahalikan ko si Nanay. Si Jomar naman ay nananatiling walang kibo. Tila malamig ang pakikitungo. Siguro ay dahil sa mga nangyari pa noon na mahigpit ang pagtutol sa kanya ni Nanay.
“Paano pag dumating dito si Kano? Saan titira ang asawa mo?†tanong ni Nanay.
“Bahala na, Nanay.â€ÂÂ
“E di palayasin mo muna.â€ÂÂ
“Nanay, huwag malakas ang boses mo at baka marinig ni Jomar.â€ÂÂ
Umirap si Nanay.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended