Warat sa sapatos ni Cinderella (ika-62 na labas)

(Kasaysayan ni Cinyd ng Pasay City)

TUWING alas diyes ng umaga nagdadaan ang karterong si Mang Dencio. Madaling malaman kung nandiyan na siya sapagkat napakalakas ng boses kapag tumatawag sa mga pagdadalhan ng sulat. Ang mga katapat namin ay pawang may dumarating na sulat galing Saudi at Hong Kong. Mga OFW ang mga asawa. Halos araw-araw ay may dinideliber na sulat si Mang Dencio.

"Cindy! Cindy!"

Halos nagmamadali ako sa pagtakbo pala-bas ng bahay nang marinig ang tawag ni Mang Dencio. Hindi ko nagawang makapagsuot ng bra o ka ya’y makapantalon. Naka-t-shirt at shorts lamang ako.

"Sulat Cindy!"

Parang excited si Mang Dencio sa paghahatid ng sulat. Dalawang linggo pa lamang kaming nakalilipat sa lugar na iyon ay kilalang-kilala na kaaad niya ako. At nabisto ko na kaya parang lagi siyang excited sa pagdidiliber ng sulat sa akin ay dahil libre siyang makakita ng utong sa nakabakat kong suso. Kapag inabot ko na ang sulat ay nahuhuli ko ang mga mata ng matandang kartero na nakatutok sa aking mga suso.

"Ano ba Cindy? Mukhang malapit nang dumating ang kasulatan mo."

Pati iyon ay gustong uriratin. Siguro’y gusto lang mapahaba ang aming usapan para mabistahan nang ayos ang mga utong ko.

"Hindi pa ho, Mang Den-cio."

"Ano ba ‘yan, ka-penpal mo?"

"Medyo," sabi kong matamlay.

"Sarap siguro ng buhay mo kapag natuloy ‘yan. Sa State raw e masarap ang gatas, siguro lalo kang puputi roon ano?" sabi at bahagyang sumulyap sa mga utong kong namamakat sa puting t-shirt. Iniharang ko ang kanang braso sa tapat ng mga utong ko.

"Sige at ako ang bahala kapag may darating kang sulat. Uunahin ko ang sa’yo. Malakas ka sa akin," sabi ng matanda at sa mga hita ko naman sumulyap. Parang aso na naglalaway sa pakiwari ko.

Gusto kong sabihin na kaya niya uunahin ang sulat ko ay para makabuwena mano siya sa mga utong ko. Ang tanda-tanda na e manyakis pa.

Pagkatapos iabot ang sulat ay mabilis na akong umakyat sa hagdan at pumasok sa bahay.

Mabilis kong binuksan ang sulat ni Melvin at binasa. Hindi ko namamalayan na pasulyap-sulyap pala sa akin si Jomar habang seryoso akong nagbabasa ng sulat. Kasi’y sabi ni Melvin ay magpapadala siya ng pera para raw ma- gastos ko kay Cholo. Ang alam kasi niya ay single mother ako. Ako ang mag-isang nagpapalaki kay Cholo. Sabi ko, nagtatrabaho ako bilang secretary sa isang kompanya. Magsisinunga- ling na rin lang ako e gandahan ko na.

Sabi ko pa, sa isang maliit na bahay lamang kami nakatira ng aking anak. Kung minsan ay nagkakasakit si Cholo at wala akong pera para pampaospital.

Iyon marahil ang dahilan kaya magpapadala raw siya ng $500! (Itutuloy)

Show comments