Warat na sapatos ni Cinderella (ika-61 na labas)
March 26, 2007 | 12:00am
(Kasaysayan ni Cindy ng Pasay City)
HINDI pa rin ma tanggap ni Jomar ang katotohanan na wala na nga siyang silbi at ang tanging paraan para kami makasalba ay ang pakikipagmabutihan kay Melvin Underwood. Kahit na ilang beses ko nang pinagpaliwanagan ay sarado pa rin ang isip. At na- uunawaan ko rin naman dahil talagang masakit para sa isang lalaki na makitang ang asawa niya ay mayroong ibang pinagkakaabalahan ng pansin. Siguro ay maituturing na kakaiba ang kasaysayan namin sapag-kat sa paghahangad na makasalba sa kahirapan ng buhay ay ang pakikipagrelas-yon sa Kano ang naisip na paraan. Kakaiba sapagkat kailangang may masaktan muna  at hindi lang basta sakit kundi kirot. At kaya ko nang tanggapin ito. Akala siguro ni Jomar ay hindi ako nahihirapan. Kung alam lamang niya na kaya ko ginagawa ang mga ito ay hindi lang para sa sarili ko kundi para rin sa kanya at sa anak naming si Cholo. Sarado nga kasi ang isi-pan niya. Hindi agad maabot ang gusto kong mangyari.
Pero gaya ng na sabi ko na, kahit na magpakatigas-tigas siya at maging sarado ang isipan, tuloy pa rin ang plano lalo na’t malaki ang posibilidad na matuloy ang pagpunta ni Melvin Underwood sa Pilipinas para magkita kami.
Nagkaroon ako ng problema nang tulu- yan na kaming paalisin sa bahay na aming inuupahan. Wala kaming magawa kundi ang maghanap ng ibang malilipatan. Mabuti na lamang at nalapitan ko uli si Ate Pacita at nakahiram ako ng perang pangdeposito sa bahay. Sabi ni Ate Pacita huwag daw akong mahiyang lumapit sa kanya.
Malapit lamang sa dati naming tirahan ang nakuha naming bahay. Sa isang squatters area rin sa Pasay pero desente ng kaunti ang dating. Nakaangat nang may isang metro sa lupa ang bahay sapagkat binabaha. May apat na baytang na hagdan. Maayos naman sa loob. May dalawang maliit na kuwarto at ang pinakamaganda, may sariling banyo/kubeta. Maliit lang pero para sa akin ay malaki na dahil sarili namin. Hindi katulad sa dating tirahan na ilang pamilya ang gumagamit at may mga butas ang dingding dahil paboritong "bosohan" ng mga manyakis.
Ako lahat ang gumawa ng paraan para makahanap ng ibang bahay. Wala na talagang maaasahan kay Jomar dahil nga parang lantang gulay. Ito na nga siguro ang suwer-te ko. Kaya sa ayaw man at sa gusto ni Jomar ako na ang masusunod. Tumutol man siya, walang mangyayari.
Ang una kong ginawa ay ang sulatan si Melvin Underwood para ipaalam ang aking bagong address. Sabi ko lumipat na kaming mag-ina sa isang bahay. Hindi ko sinasa-bing may asawa ako. Ang alam niya, single mother ako. Noon pa ay alam na niya dahil nagpadala pa nga siya ng dolyares nang ipanganak ko si Cholo.
Inabangan ko ang pagdating ng kanyang sulat sa bago kong address. Bawat pagdaan ng kartero ay nakaabang ako sa may hagdanan ng bahay. Nakatingin sa akin ang kartero na kung makatingin ay tipong manyakis. Nakatutok sa mga hita ko.
"Wala pa ba akong sulat Manong?"
"Wala pa. Hayaan mo at ako ang ba hala," sabi at ang mga suso ko naman ang sinapol ng tingin. Nakangiti na parang aso ang kartero.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am