"BAKIT?" Tanong ni Jomar na halatang nagulat sa malakas na pagsigaw ko ng "Yahooo!!!" Kasi’y hindi ko napigil ang sarili na mapasigaw dahil sa katuwaan.
"Si Melvin baka pumunta rito sa Pilipinas."
"Akala ko’y kung napaano ka na?" sabi at biglang umalis at nagbalik sa kusina. Halatang inis dahil sa pagkakabanggit ko sa pangalan ni Melvin Underwood.
Pero hindi ko na pinansin si Jomar. Wala na akong panahong makipagtalo sa pagkakataong ito na napi- feel ko nang magkaka- roon na ng katuparan ang aking pangarap na makapunta sa Tate.
Hindi na ako mapipigilan ni Jomar sa aking balak na makipagrelasyon na kay Melvin. Titiisin ko na lamang ang lahat ng sakit at kirot sa pakikisama sa dayuhan. Ito na lamang ang tanging paraan para umangat ang buhay. Wala nang ibang paraan.
Sinagot kong muli ang sulat ni Kano. Sinabi ko na mas maganda kung pupunta talaga siya rito para magkita kami. At dinagdag ko pa na handa akong sumama sa kanya kahit saan siya pumunta. Hihintayin ko ang pagpunta niya rito sa Pilipinas.
Inihulog ko rin agad ang sulat.
Simula noon ay naging regular na ang aming pagsusulatan namin ni Melvin. Lalo pa kaming naging sabik sa isa’t isa.
At mula rin noon ay naging malamig na kami sa isa’t isa ni Jomar. Nasa isang bahay kami pero mala-mig na ang pakikitungo. At nasasaktan din ako.
Minsan ay ako ang unang nagsalita. Tinanong ko kung ano ang progress ng katawan niya sa binilI kong gamot.
Pero tinalikuran lamang ako. Sarap sapakin!
(Itutuloy)