Warat na sapatos ni Cinderella (ika-50 na labas)
March 15, 2007 | 12:00am
(Kasaysayan ni Cindy ng Pasay City)
MARAMING problema kaming kinakaharap at ako lamang ang inaasahang lulutas niyon. Hindi na maaari si Jomar sapagkat sa tingin ko, parang lantang katuray siya. Ang dating masiglang katawan ay bumagsak. Iniiisip kong may TB na ang asawa ko. Huwag naman sana.
Sa pag-iisip ng solusyon sa mga problema ay sumagi sa isip ko na bakit hindi na lamang kami bumalik sa probinsiya. Kaysa naman dito sa Pasay na walang ibang taong malalapitan. Sa probinsiya, kahit paano ay may malalapitan. Hindi katulad dito na kailangan pang ipakalikot ang "hiyas" para makakain. Katulad ko na napaghihipuan na ng manyakis na si Kuya Mario at muntik nang magtagumpay.
Kung babalik naman kami sa probinsiya, tiyak na katakut-takot na mura na naman ang aabutin ko kay Nanay. Sasabihin sigurado niya sa akin: "Ang lakas ng loob mong lumayas sa poder ko wala ka palang ibubugang letse ka!" O kaya naman ay: "Masyadong matigas ang ulo mo, Cinderella. Sabi ko nang huwag pumatol sa isang kukulo-kulo ang tiyan ayan ang napala mo. Sabi ng sa Kano pumatol, hindi ka sumunod."
Napabuntunghini-nga ako. Sunod-sunod. Malalalim. Pero sa dakong huli, umiral din ang "pride chicken" ko. Hindi ako babalik sa poder ni Nanay. Kahit pa ano ang mangyari sa amin dito, hindi ako uuwi ng probinsiya. Gagawa ako ng paraan. Kahit pa magpakalikot muli ako ng "hiyas". At pipilitin kong magkaroon muli kami ng ugnayan ng Kanutong si Melvin Underwood. Gagawin ko ang lahat makaligtas lamang sa kumunoy ng kahirapang ito.
Kinabukasan ay nagbalik ako sa damitan. Nagulat ako sapagkat bukas na iyon. Pasubuk-subok akong lumapit para makita kung sino ang nagbukas. Si Ate Pacita ang nakita kong nasa kaha! Kinabahan ako. Gusto kong tumalikod na para maiwasan siya. Tiyak na alam na niya ang lahat dahil sinabi ni Bekbek.
Patalikod na ako at talagang aalis na nang bigla niya akong tawagin.
"Cindy! Cindy!"
Ito na ang kinatatakutan kong sandali. Kukumpronta-hin na niya ako. Pero nakahanda na ako sa mga isasagot sa kanya. Sasabihin kong pinuwersa ako ni Kuya Mario kaya nasa loob ng kuwarto.
Tumigil ako at tumingin kay Ate Pacita.
"Halika Cindy!" sabi nito.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended