MABUTI na lamang at bago nakalapit sa amin si Ate Pacita ay naiabot na sa akin ni Kuya Mario ang P500. Kung nagkataon ay nahuli kami. Agad namang nagbalik sa kanyang ginagawa si Kuya Mario.
"Buksan mo ang mga kahon ng bagong dating na damit, Cindy," sabi ni Ate Pacita na uuyad-uyad na lumapit sa akin. Masakit ang paa. Bago nakalapit sa akin ay matagal. Pahawak-hawak sa mga haligi ng tindahan.
"Putsang paa ito! Ang hirap lummakad!" sabi at naEkita ko sa mukha na talagang masakit ang kaliwang paa.
Matakaw daw kasi ng bulalo kaya ganoon kagrabe ang arthritis.
"Saan ko ilalagay ang mga damit na nasa kahon, Ate?"
"Doon sa tabi ng haligi. Para Makita agad ng kustomer."
Ginawa ko ang sinabi niya. Sinulyapan ko si Kuya Mario na nasa sulok at tinitik- lop ang mga plastic na balutan ng damit. Takot na takot siya kay Ate Pacita. Kaunting singhal lamang ay bahag ang buntot. Pero naisip ko paano kaya nakukupitan ni Kuya Mario si Ate Pacita. Sa tingin ko e sobrang higpit sa pera ni Ate Pacita. At kabisadung-kabisado ang dami ng napapagbentahan sa damitan. Maski ang mga pinakamaliliit na damit pambata ay kabisa- do rin kung gaano kadami.
"Mario! Mario!"
Nagulantang ako sa tawag ni Ate Pacita.
"Bakit kulang ng P500 itong pera sa kaha?"
Palihim kong sinulyapan si Kuya Mario. Takot na takot ang mukha. Ang P500 sigurong ibinigay sa akin ay kinupit niya sa kaha.
"Halika nga rito, Mario!"
Lumapit si Kuya Mario.
"Kulang ng P500 e, kinuha mo ano?"
"Wala akong kinukuha diyan."
"E sinong kukuha e tayong dalawa lang ang nakakapasok dito sa kuwarto?"
"Malay ko diyan. Baka nalaglag sa sahig."
"Wala! Tiyak ko, kinupit mo ‘yon."
"Hindi! O tingnan mo itong wallet ko."
Dinukot ang wallet sa bulsa at binulat- lat sa harap ni Ate Pacita.
Walang nakita at nang sumulyap ako kay Ate Pacita ay nakatingin sa akin. Para bang naghihinala sa akin na ako ang kumuha ng P500.
Kinabukasan ay wala si Ate Pacita sapagkat grabe ang sakit ng paa. Mas nauna sa akin si Kuya Mario sa tindahan.
Ngising aso ang isinalubong niya sa akin. Hindi naman ako ngumiti. Seryoso ako.
"Mamaya, isasara ko uli ang tindahan, ha Cindy. Maniningil na ako…"
Kinabahan ako. Ngayon na yata makukuha ni Kuya Mario ang pagkababae ko. Hindi ko na yata malala_nsi ang ma-"L" na si Kuya Mario.
"Ang sexy mo di- yan sa suot mong pants, Cindy. Para kang dalaga pa."
Hindi ako nag-react.
"Siguro hindi ka rin masyadong "inaano" ng mister mo ano. Kasi, parang gusto mo na rin ang g_inagawa ko sa’yo."
Hayop na ‘to at pati ang pag-aano namin ni Jomar ay napapakialaman. Dinasal kong sana ay dumating si Ate Pacita.
"Tatawagin kita kapag isasara ko tindahan, ha, Cindy?"
Tumango lamang ako. Sa totoo lang gusto kong tuma- kas sa ma-"L" na si Kuya Mario.
(Itutuloy)