Warat na sapatos ni Cinderella (ika-29 na labas)

(Kasaysayan ni Cindy ng Pasay City)

DALI-DALI akong pumasok sa bahay. Naroon si Jomar at karga si Cholo.

"Biglang umiyak e."

"Matagal ka nang wala roon?"

"Mga 10 minutes na siguro. Bigla ko ngang narinig ang iyak ni Jomar kaya ako pumasok."

"Walanghiya e sino ‘yung kumaluskos sa may banyo."

"Baka mga pusa na naglalampungan. Maraming pusa rito na sa bubong pa nagbabanatan."

"Hindi pusa yung narinig ko kundi tao."

"Wala naman akong napansin kanina."

"Palagay ko may namboso sa akin."

Nag-isip si Jomar.

"Ano sa palagay mo?" tanong ko.

Ibinigay ni Jomar sa akin si Cholo.

"Bakit? Saan ka pupunta?"

Hindi sumagot. Bumaba ng bahay. Maya-maya may narinig akong nagmura. "Putang-ina n’yo! Mga maniac!"

Tumahimik pagkaraan. Pagkaraan ay nakita kong pumanhik na si Jomar.

"Sinong minura mo?"

"May nakita akong dalawang tumakbo. Nakatago sa may banyo. Nang makita ako biglang tumakbo."

"Sabi ko na nga ba at may naninilip sa akin. Putang-inang lugar ito, Jomar."

Walang kaimik-imik si Jomar. Pero alam ko, galit siya dahil may nakakita na sa katawan ko kanina.

"Hubu’t hubad ka ba kanina?" tanong ni Jomar na tila nahimasmasan.

"Siyempre naman. Me naliligo bang nakadamit."

"Mga walanghiyang iyon, inunahan pa ako sa’yo. Dapat e ako lang ang makakita n’yan."

Sa himig ng salita ni Jomar ay may gustong mangyari.

"Mag-ano tayo, Cindy."

Gusto ko rin kaya hindi na ako nagpakita ng pagtutol. Tao lamang ako at matagal din kaming hindi nagkita ni Jomar.

Pero may pangamba ako. Paano kung mabuntis na naman ako? Hindi ko na maipagpapatuloy ang pangarap na makarating sa Amerika.

"Kung mabuntis ako?"

"May "supot" ako rito," sagot ni Jomar.

(Itutuloy)

Show comments