"O ANO at umiiyak ka?"
Nagulat ako sa tanong na iyon ni Nanay. Mabilis kong pinahid ang luha.
"Ano namang drama ‘yan?"
"Wala po."
"Wala po e iyan at mapulang-mapula ang mga mata mo."
"Naalala ko kasi si Jomar."
"Huwag mong isi-pin ang tamad mong asawa. Mabuti nga at nabawasan ang palamunin ko."
Hindi na ako sumagot pa. Kung sasagot pa ako ay baka kung saan-saan lamang mapunta ang usapan.
"Sige, papunta na ako sa palengke. Siguro ay marami akong mabebenta ngayon dahil wala na ang malas sa bahay ko."
Tinalikuran ko si Inay. Nang pumasok ako sa kuwarto ay eksaktong umiyak ang aking anak na si Cholo. Kinarga ko at isinayaw. Muling nakatulog,
Lumipas ang isang linggo ay walang dumaratng na sulat mula kay Jomar. Nag-abang ako. Hanggang ma-ging isang buwan ay wala pa ring dumarating na sulat.
"Kita mo na at bukod sa batugan ay iresponsable pa ang asawa mo."
Pero makalipas ang isang araw ay eto na ang sulat mula kay Jomar.
Biglang sumigla ang buhay ko.
(Itutuloy)