"ANG hirap maghanap ng trabaho, Cindy," sabi ni Jomar nang umu-wi dakong alas-singko ng hapon. Si Nanay ay nasa mesang kainan at may kinukuwenta. Siguro ay ang utang niya na araw-araw ay hinuhulugan sa Bumbay.
"Saan ka ba naghanap?"
"Sa bayan."
"Anong nangyari?"
"Wala raw bakante para sa janitor. Kahit na nga tindero ang inaaplayan ko wala rin."
"Inabot ka ng maghapon wala kang nakita?"
"Wala talaga e."
Hindi na ako nagsa- lita pero malaki ang hi-nala kong, hindi naghanap si Jomar. Hinala ko, maghapong natulog sa bahay ng kanyang ina. Malapit din naman ang kina Jomar sa aming bahay. Mga 15 minutes lamang lakarin.
Si Nanay ay umalis sa mesa. Napansin kong bagsak ang mukha. Hindi ko alam kung dahil sa utang niya sa Bumbay ang dahi-lan o dahil sa narinig na walang nakitang trabaho si Jomar. Sa palagay ko ay parehas niyang iniisip ang mga iyon. Hindi na makatakas sa Bumbay ay eto at mayroon pang isang bibig na palamunin. At siguro kung mamumura lamang ako sa oras na iyon ay baka ginawa na. Pero nakapag-isip-isip siguro kaya hindi na itinuloy ang pagmura sa akin.
"Kinabukasan ay maagang umalis si Jomar. Wala pang alas siyete ay umalis na. Maghahanap daw uli ng trabaho. Kahit ano raw ay papasukin niya.
Pero nang umuwi kinahanapunan, "itlog at hotdog" pa rin ang dala niya.
"Walang tumanggap sa high school grad na gaya ko."
"Di ba yan ang sinabi ko sa yo nun pa."
"Pagod na pagod ako sa paglalakad. Pero walang bakante at saka ang gusto ay nakatuntong kahit se-cond year college."
Gusto ko nang maniwa-la kay Jomar na naghanap nga siya ng trabaho. Sa tingin ko ay pagod na pagod nga.
Pero si Nanay ay hindi kumbinsido sapagkat nagparinig na. Hindi na maka-tiis sa mga naipon sa dibdib.
"Kailan kaya ako makakaahon sa hirap. Wala na akong pahinga tapos ay eto at meron pa palang palamunin!"
Pagkatapos ay ibinag-sak nito ang hawak na ballpen sa mesa. Lumikha ng ingay. Pagkaraan ay tumayo ito at pumasok sa kanyang kuwarto.
"Kailan ka kaya magkakatrabahoi, Jomar?"
Kumamot sa ulo si Jomar.
"Bukas maghahanap uli ako."
"Diyos ko, sana ay makakita ka na. Kahit ano ay tanggapin mo huwag lang ang pagnanakaw. Kailangan natin ng pera. Kakahiya kay Nanay.
Kinabukasan nang aalis na si Jomar ay muling nagparinig si Nanay.
"Hirap na hirap na talaga ako, Cindy. Gusto ko namang matapos na ang paghihirap sa buhay."
Tumungo si Jomar.
"Kaya huwag mong ititigil ang pakikipagsulatan sa Kano. Iyan na lang ang pag-asa natin. Ha Cindy?"
"Opo Nanay."
"Mahina kasi itong pinatulan mo e."
Walang kaimik-imik si Jomar.
(Itutuloy)