^

True Confessions

Warat na sapatos ni Cinderella (ika-6 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Cindy ng Pasay City)

"NATATAKOT ako sa mga binabalak mo Ate." sabi ni Patsy na naguguluhan na yata sa mga plano ko sa buhay.

"Ito lamang ang paraan para makarating ako sa States."

"E bakit ba nagpa-tisbun ka agad kay Jomar e mayroon ka palang pangarap?"

"Para ka na ring si Nanay ah! Sawang-sawa na ako kanina e ikaw din pala kakatkatan mo ako ng sermon."

Natameme si Patsy. Binuklat na lamang ang libro.

"Wala na akong magagawa dahil narito na ito. Hindi ko naman maaaring ipalaglag ito."

Umismid si Patsy.

"Unawain mo na lamang ako Patsy. Kapag naman natupad ang pangarap kong makapunta sa States ay makikinabang ka rin. Dadalhin din kita roon."

"Salamat Ate pero ayaw ko yatang manirahan doon."

"Bakit?"

"Hindi ako marunong mag-English."

"Tange ka."

Alam kong nagbibiro lamang si Patsy.

"Kapag dinala ako roon ni Melvin, makakaahon na tayo sa hirap ng buhay."

"Ano nga ba ang balak mo Ate?"

"Kapag dumating ang ka-penpal kong si Melvin, magkukunwari kaming magkapatid ni Jomar."

"Pumayag kaya siya?"

"Sabi ko nga kay Nanay kapag hindi pumayag si Jomar, iiwanan ko siya."

Napatitig na naman nang makahulugan sa akin si Patsy. Hindi marahil akalain na magiging ganoon karahas ang desisyon ko basta matuloy lamang ang pangarap kong makapag-asawa ng Kano.

"Walang makapipigil sa akin Patsy."

Napabuntunghininga ang kapatid ko. Hindi pa rin niya maunawaan ang pangarap kong makarating sa States.

Isang gabi, dumating sa bahay si Jomar kasama ang kanyang nanay at isang tiyahin. Balak kausapin ang nanay ko tungkol sa pagbubuntisan naming dalawa. Matagal bago napilit si nanay na humarap. Nakiusap ako. Mababait naman ang ina at tiyahin ni Jomar.

Gusto ng inay na magpakasal kami. Pero matindi ang tutol ni Nanay.

"Ayaw ko! Magsama na lamang ang dalawang ’yan na walang kasal! Mas maganda ’yan para kapag nag-away sila e hindi na mahirap maghiwalay!"

Tulala ang ina ni Jomar.

(Itutuloy)

AKO

ALAM

JOMAR

KAPAG

MELVIN

NANAY

PASAY CITY

PATSY

SALAMAT ATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with