^

True Confessions

Warat na sapatos ni Cinderella (ika-4 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Cindy ng Pasay City)

KATAKUT-TAKOT na mura ang inabot ko sa aking nanay nang malamang buntis na ako. Nasa fourth year high school ako, ilang buwan na lamang at ga-graduate.

"Putang inang buhay ito, akala ko pa naman makakapunta ako ng Estet. Paano na ngayon ‘yan, Cinderella?"

Hindi ako makatingin kay Nanay. Kapag ganoong tinawag na niya ako sa buong pangalan, tiyak na galit siya. At kapag galit siya huwag kang sasagot ni ga-putok dahil malaking giyera. Nanatili akong nakatungo at parang pinutulan ng dila habang nakaupo sa silyang plastic sa may bintana.

"Hirap na hirap ako sa pagtitinda ng isda at akala ko makatitikim na ako ng ginhawa iyon pala, magpapabuntis ka!"

Wala akong kaimik- imik. Ang kapatid kong si Patsy ay pasilip-silip sa likod ng kurtina. Takot din ang nakita ko sa mukha ni Patsy. Kapag nagalit si Nanay lahat ay kalaban niya. Wala siyang pinakikinggan kapag galit. Maski noong nabubuhay pa si Tatay, talun-talunan siya ni Nanay. Namatay si Tatay noong first year high school ako. Lumubog ang bangka na ginagamit sa pangingisda dahil inabot ng bagyo sa laot.

Dalawang araw bago nakita ang bangkay. Kahit na talun-talunan si Tatay, grabeng pag-iyak din ang ibinuhos ni Nanay nang makita ang bangkay ng aking ama. Siguro’y na- iisip ni Nanay ang mala-king responsibilidad na papasanin ngayong wala na si Tatay.

"Sabi ko nang lumayo sa hayop na si Jomar na ‘yan at wala namang maibibigay na ginhawa iyon pala ay lalong dumikit!"

Wala akong kakilus- kilos habang nagsasalita si Nanay. Naiintindihan ko naman siya dahil nga sobra na ang hirap na dinadanas. Isang kahig, isang tuka sa aming lugar. Sa amin ay halu-halo na ang mga tao. Palibhasa ay malapit sa pier kaya dumadagsa roon ang iba’t ibang uri ng tao mula sa ibang lalawigan. Iba’t ibang ugali. Doon na sa lugar na iyon nagkakilala sina Tatay at Nanay. Pareho rin daw silang dayo roon. Kung saan nagmula, hindi ko na inalam pa.

"Wala nang pag-asang talagang mabago ang buhay. Putang-ina namang buhay ito! Magpapabuntis lang pala!" sabi pa ni Nanay at umiyak na. Nagsama ang luha at sipon.

Ayaw ko mang sumagot, hindi ko na napigil ang sarili. Gusto kong mabawasan ang nadaramang galit.

"May pag-asa pa naman Nanay…" sabi ko sa marahang boses.

Tumigil sa pag-iyak. Tumingin sa akin.

"Me pag-asa? E iyan at buntis ka na. Anong pag-asa?"

"Maaari ko namang ituloy ang pakikipagsulatan kay Melvin. E ano kung may anak na ako."

Nag-isip si Nanay. Medyo nagliwanag ang masungit na mukha.

(Itutuloy)

AKO

ANONG

AYAW

KAPAG

NANAY

PASAY CITY

PUTANG

TATAY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with