Warat na sapatos ni Cinderella (Simula)
January 25, 2007 | 12:00am
(Kasaysayan ni Cindy ng Pasay City)
NILILINIS ko ang aking sapatos nang biglang marinig ang pagtawag ng karterong si Mang Dencio.
"Cindy! Cindy!"
Binitiwan ko ang nililinis na sapatos at tinungo ang pintuan at tiningnan ang kartero.
"Sulat! Makapal! Galing State!"
Bigla akong bumaba nang marinig na galing States ang sulat. Dumalas ang tibok ng aking puso.
Inabot ko ang sulat na hawak ng kartero. Makapal nga. Baka eto na ang hinihintay kong sagot ni Melvin Underwood.
"O, o pirmahan mo muna ito!" sabi ng matanda na tumingin sa bahaging dibdib ko. Nakabakat sa suot kong t-shirt ang aking mga utong. Wala nga pala akong bra. Iniharang ko ang aking kanang braso sa tapat ng aking mga suso para hindi makita ng matandang ito. Napangisi nang alanganin ang kartero sa ginawa ko. Ibinigay sa akin ang bolpen. Pinirmahan ko ang papel at ibinalik sa matanda.
"Parang masaya ka, Cindy. Kanino ba galing?"
"Sa kaibigan."
"Baka pupunta ka na sa State. Baka naman malimutan mo akong padalhan ng dolar," sabing nakangisi.
Kumilos ako para umakyat na sa aming bahay. Nakabuntot naman ang tingin ng matanda. Hinagod ng tingin ang mga hita ko. Naka-shorts kasi ako. Ganoon lagi ang matandang kartero kapag nagdadala ng sulat. Laging hinahabol ako ng tingin. Parang gusto akong hubaran ng shorts.
Nagmamadali akong umakyat at hindi na nag-tenkyu sa matandang na-e-"L" yata sa akin.
Pag-akyat ay pinasadahan ko uli ng basa ang pinanggalingan ng sulat. Mula kay MELVIN UNDERWOOD ng Virginia, USA. Excited akong kumuha ng gunting at dahan-dahang ginupit ang gilid ng sobre.
Nang mabuksan ay kinuha ko sa loob ang sulat. Dalawang pahina iyon. Sulat-kamay at maganda ang pagkakasulat. Binasa ko. Sa dakong huli ay nakasaad na darating na siya. Tiyak na tiyak na.
Ngayong darating si Melvin ay saka naman para akong kinakabahan.
Binasa ko pa nang paulit-ulit ang sulat.
Nasa ganoon akong sitwasyon nang biglang lumabas sa aming kuwarto ang asawa kong si Jomar, karga ang aming anak na si Cholo, walong buwan.
"Kanino galing?"
"Kay Melvin."
"Anong sabi?"
"Darating na siya."
Napalunok ng laway si Jomar.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am