Sadik (85)
January 19, 2007 | 12:00am
(Kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)
MALIKOT na ang aming anak ni Susan. Masuwerte ang aming anak sapagkat nasusunod namin ang kanyang mga pangangailangan. Kumpleto sa bitamina at mga bakuna na kailangan ng bata. Naisip namin ni Susan, kung kami ay hindi nakarating dito sa Saudi at sa Pilipinas nagtiyaga, baka hindi ganito ang kalagayan ng aming anak. Baka malnourished siya dahil hindi namin mabigyan ng sapat na pagkain at bitamina. Magkano lamang ba ang suweldo ko noon. Tapos ay nakatira pa kami sa isang lugar na medyo marumi at nagkalat ang mga batang galisin ang katawan sa kalsada. Kung kami ay hindi nakaalis sa Pilipinas miserable ang buhay namin ni Susan. Mabuti na lamang at natagpuan namin ang mabuting tao na si Sadik na nagbigay sa amin ng magandang buhay.
"Ayaw ko nang umalis dito, Tony," sabi ni Susan.
"Talagang hindi na tayo aalis dito. Hindi natin iiwan ang mag-asawang Sadik at Tina."
"Napapansin ko na habang tumatagal ay lalong gumaganda ang samahan ng mag-asawa ano, Tony?"
"Napapansin ko rin. Ibang klase kasi si Sadik. Bukod sa mabait na ay mapagbigay pa at talagang walang masasabi sa ganda ng ugali."
"Maitim nga siya at pangit pero natatakpan iyon ng kanyang kagandahan ng ugali."
"Oo nga. Di ba mayroon mga itim na Saudi na masama rin ang ugali?"
"Meron."
Isang umaga ay napansin ko na hindi pa bumabangon ang mag-asawa. Dati-rati mga alas kuwatro pa lamang ay gising na sila dahil sa pagdarasal. Baka napuyat ang dalawa. May pagkakataon na umaalis ang mag-asawa at nagsa-shopping. Siguro ay ginabi ng dating. Hindi ko tuloy malaman kung matutuloy kami sa pagkolekta ng pera sa mga dinideliberan ng gatas ng camel.
Sa araw na iyon ay tiyak na marami kaming sisingilin dahil naipon pa iyon noong nagbakasyon sa Pinas. Hindi rin namin nagawang singilin agad ang mga iyon dahil walang oras.
"Antonio! Antonio!"
"Sadik."
"Come here quickly."
Mabilis akong nagtungo sa kuwarto sa itaas.
"Ma zaleka?"
Sinabihan akong sumunod sa kanya. Pumasok siya sa kuwarto. Nakabuntot din ako. Ano kaya ang nangyayari?
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended