^

True Confessions

Sadik (ika-83 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)

NGAYON lamang daw siya nakapali- go sa dagat, sabi ni Sadik. Wala naman daw kasing dagat o kaya’y ilog sa Riyadh. Kung siya raw ay lumaki sa Jed- dah, Jubai o Dammam, baka sakaling marunong siyang lumangoy sa dagat. Maski sa swimmIng pool ay hindi pa rin daw siya nakasusubok lumangoy. First time niya ito kaya hindi naman maiwasang tuksuhin siya ni Tina na Sauding bano. At nagtatawa lamang si Sa- dik kapag tinata- wag siya ni Tina ng ganoon.

"Joke lang," sabi ni Tina at sasabuyan ng tubig ang asawa. Maghahabulan sila sa dagat na hanggang hita ang lalim. Aabutan ni Sadik si Tina at saka bubuhatin. Magsisigaw si Tina at saka biglang ibabagsak ni Sadik. Magkukunwaring nalulunod si Tina at dadaluhan naman ni Sadik. Kapag malapit na ay biglang lulubog si Tina at saka hahagipin ang mga paa ni Sadik. Maglululundag si Sadik dahil nagulat.

Apat na araw kami sa Boracay. Pabalik na kami sa Maynila nang magyaya si Tina sa Tagaytay. Para raw makita ni Sadik ang magandang tanawin ng Taal. Go kami roon. Gusto kong makapun-ta dahil sa totoo lang hindi pa ako nakararating sa Tagaytay.

Nang nasa Tagay-tay na kami ay hangang-hanga ako sa ganda ng tanawin. At ang klima ay napaka-fresh. Parang nasa Baguio na rin. Nakita namin ang lawa ng taal. Masarap tanawin. Nakaaalis ng pagod. Nakita namin ang mga bundok na nakukumutan ng ulap. Bumili kami nang maraming pinya at iba pang prutas.

Sa pagkalibang namin sa walang tigil na pamamasyal, eto ay naka-mahigit isang buwan na kami. Forty five days lang visa namin. Mayroon pa kaming 15 days para gugulin.

Ang natitirang mga araw ay sa Maynila na lang ginugol sa pamamasyal.

Hanggang sa dumating ang takdang araw ng aming pag-alis.

(Itutuloy)

vuukle comment

AABUTAN

APAT

BORACAY

MAYNILA

NAKITA

RIYADH

SADIK

TAGAYTAY

TINA

TONY Z

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with