^

True Confessions

Sadik (ika-81 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)

MAS gusto ni Sadik sa beach resort at ayaw sa malamig na lugar gaya ng Baguio o Tagaytay. Nagsasawa na raw siya sapagkat madalas na siya sa lugar na malamig kagaya ng Abha City. Noong bata pa raw siya ay nakatira sila sa Abha na napakalamig ng klima. Kung gaano kainit sa Riyadh ay ganoon din naman katindi ang lamig sa Abha.

Kinabukasan din ay naghanda na kami para sa pagtungo sa Boracay. Tatlong araw daw kami roon sabi ni Tina. Kung magugustuhan ni Sadik, maaaring ma-extend.

"Alam mo ba ang patungo sa Boracay, Tony?" tanong ni Tina.

"Hindi gaano pero ang alam ko, mayroon nang bus na galing sa Maynila na deretso roon."

"Sige."

Hinanap ko sa direktoryo ang number ng station ng bus patungong Boracay. Nakita ko naman agad. Inalam ko ang pamasahe.

"Okey na Tina. Go na tayo."

Mabilis naming inihanda ang mga gamit. Pito kami lahat, kasama ang aking baby. Habang patungo kami sa bus station ay excited si Sadik. Ito raw kasi ang una niyang biyahe patungo sa resort. Sa wakas daw ay hindi disyerto ang makikita niya kundi karagatan. At masaya raw ang paglalakbay niya dahil kasama ang kanyang mahal na sawj — si Tina.

Mula Maynila ay nagtungo kami sa Batangas City. Sa upuan nang malaking bus na iyon ay inokupa namin ang nasa kanang portion. Si Tina at si Sadik ang magkatabi siyempre, si Trish at ang kanyang lola at kami ni Susan. Halinhinan kami sa pagkalong sa aming anak na para bang nakikisama sapagkat hindi malikot sa biyahe.

Pagdating sa Batangas Pier ay dere-deretsong isinakay ang aming bus sa isang barko. Nang nakasakay na ay tila para kaming idinuduyan. Hindi maipaliwanag ni Sadik ang kasiyahan sa karanasang iyon. Iyon pala ang transportasyon na roll on, roll off (ro-ro). Sinasahod ng barko ang mga bus at pagdating sa distinasyong pier ay deretso takbo uli. Maaaring bumaba ang pasahero sa bus at ikutin ang kabuuan ng barko. Bumaba kami. Excited kami lahat sapagkat noon pa lamang ako nakasakay ng barko. Si Sadik ay hangang-hanga sa napaka-asul na karagatan. Para namang sinusuwerte sapagkat napakaganda ng panahon kahit na July. Walang banta ng bagyo. Napakalinis ng kalawakan na parang summer.

"Jaiyed,Antonio. Jaiyed!" sabi ni Sadik sa katuwaan. Fantastic daw ang tanawin. Lalong natuwa nang makita ang mga mangingisda na sumasabay sa aming barko. Galing sila marahil sa pangingisda.

Eksaktong alas dose ng tanghali ay nasa pier na kami ng Calapan, Oriental Mindoro. Pagbaba ng bus sa pier ay takbo na naman. Maganda ang highway. Mahaba ang tinakbo namin bago nakarating sa Roxas, Or. Mindoro. Mula Roxas ay sumakay muli kami ng barko. Lumulubog na ang araw ay naglalakbay pa kami sa barko patungong Catiklan. At lalong napakagandang tanawin ang sumalubong sa amin habang lumulubog ang araw. Nakaaalis ng pagod. Si Sadik, lubos na lubos ang kasiyahan. Binulong nga niya sa akin, bakit daw nagtutungo pa sa Saudi ang mga Filibin ay napakaganda naman ng Pilipinas. Sagot ko, dahil sa pera. Napatangu-tango siya.

Nakarating kami sa aming destinasyon — ang Boracay. Hindi kami nahirapan sa paghanap ng matitirahan. Palibhasa’y maraming dalang datung si Sadik, kaya ang pinakamaayos na tirahan ang kinuha namin. Mula sa tirahan ay lalakarin ang beach na nilalatagan ng puting buhangin.

"Ayaw koh nang bahlik sah Riyadh," sabi ni Sadik.

"Hindi! Kailangan balik tayo roon. Marami pera roon," sagot namang nagtatawa ni Tina. (Itutuloy)

ABHA

ABHA CITY

BORACAY

BUS

KAMI

RIYADH

SADIK

SI SADIK

TINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with