MAGKASAMA sa kalesa ang mag-inang Tina at Trish at saka si Sadik. Nasa ikalawang kalesa naman kami nina Susan, anak ko at ang nanay ni Tina. Habang mabagal na tumatakbo ang sinasakyang kalesa nina Sadik ay nakikita kong ipinaliliwanag ni Trish ang mga nakikita sa dinaraanan, Nang mapadaan sa isang guhong gusali ay sinabi ni Trish kung ano ang nangyari roon. Ipinaliwanag na dating kar-sel iyon ng mga Kastila at maraming ibinilanggo. Noong World War II ay nawasak dahil sa binagsakan ng bomba. Tumatangu-tango naman si Sadik na tiyak kong nasisiyahan sa paliwanag ni Trish. Si Tina naman ay nakatingin sa matalinong anak. Hindi siguro akalain na magiging ganoon katalino ang anak at mahusay mag-istima sa isang dayuhan na kagaya ni Sadik. Matagal na rin naman kasing hindi sila nagkita ng anak apat na taon yata. Napakalaki nang improvement ng kan- yang anak kahit na sabihin pang walang inang nag-aasikaso rito. At siguroy noon lamang lubusang na-realized ni Tina ang kahalagahan ng kanyang nanay. Kung wala ang kanyang nanay ay baka hindi luma- king bibo at matalino si Trish.
May kalahating oras din kaming nakasa- kay sa kalesa at umikot sa Intramuros. Sa pakiwari ko, ayaw pang bumaba ni Sadik sa kalesa. Nasarapan yata sa kakaibang sasak-yan na noon lamang niya naranasang sakyan. Nasanay na kasing kotse at pickup ang sasakyan sa Saudi.
Sa kalapit na Fort Santiago ko naman niyaya sina Sadik. Si Trish ay walang kapaguran sa pagiging tourist guide. Nilibot na- min ang kabuuan ng Fort Santiago kung saan ay ikinulong si Jose Rizal na pambansang bayani ng Pilipinas. Ipinaliwanag ni Trish kay Sadik na sa kulungang iyon ginugol ni Rizal ang kanyang mga huling sandali bago binaril sa Bagumbayan na ngayon ay Luneta.
"He is executed by the Spaniards," paliwanag ni Trish.
Napailing-iling si Sadik.
"Executed by means of what?"
"Gun. Firing squad."
Napailing-iling si Sadik.
"In Saudi, no firing squad, just kreeekkk!" sabay lagay ng daliri sa leeg at kunwariy ginilit. Nagtawanan kami.
"Painful, Sadik?."
"Aiwa, Antonio. Very painful."
Tawanan uli kami.
Makaraang pasyalan ang Fort Santiago ay muli kaming kumain sa isang malaking restaurant at pagkara- an ay umuwi na sa aming hotel.
Napakasaya at napaka-memorable ng pasyal naming iyon. Pero wala na yatang sasaya pa kay Sadik. Nakalarawan sa mga mata niya ang kasiyahan.
(Itutuloy)