Sadik (ika-76 na labas)

(Kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)

SI Trish nga ang aming naging guide. Mahusay ngang tour guide si Trish sapagkat sanay mag-Ingles at siya ang nagpapaliwanag kay Sadik sa mga nakikita sa Baywalk. Ipinaliliwanag kung ano ang ibig sabihin ng mga rebultong nakikita roon.

"Gusto n’yo sa Intramuros naman tayo," yaya ko makaraang makarating na kami sa dulo ng Baywalk.

"Sige," sagot ni Tina. "Para naman makita ni Sadik ang iba pang tanawin dito sa atin."

Pumara kami ng dalawang taxi at magkasunod na nagpa-hatid kami sa Intramuros malapit sa Manila Cathedral. Nasa isang taxi ang mag-iina kasama si Sadik at kami naman ni Susan at anak ko sa ikalawang taxi.

Mangha si Sadik nang makita ang lumang Simbahan at iba pang mga gusali na halos nilulumot na sa katandaan.

Ipinaliwanag ni Trish na ang mga gusaling iyon ang ginawang mga kulungan ng mga Spaniards para sa mga Indio.

"What Indio, Thris?"

"They are the Filipinos. The Spaniards called the Filipinos In-dios and treat like slaves."

Napatangu-tango si Sadik sa paliwanag ni Trish.

Mas lalong humanga si Sadik nang makita ang mga kale-sang hinihila ng kabayo na paikut-ikot sa Intramuros. Hindi makapaniwala sapagkat sa Saudi ang kabayo ay inaalagaang mabuti at isinasabak sa malalaking paligsahan. Kilala sa Saudi ang mga Arabian horses. Hangang-hanga si Sadik sapagkat kayang-kayang hilahin ng kabayo ang kalesang may lamang anim na katao.

Naisip ko na mas lalong masisiyahan si Sadik kung makasasakay sa kalesa. Mas lalo niyang hindi malilimutan ang pagbabakasyon sa Pilipi- nas kapag naranasan ang makasakay sa kalesa.

Tumawag ako ng kutsero na nakaantabay lamang sa di-kalayuan. Lumapit ang kutsero at tinanong ko kung magkano ang isang ride. Sinabi ang halaga. Hindi naman pala mahal. Okey agad ako. Dalawang kalesa ang kinontrata ko.

Hindi makapaniwala si Sadik nang pinasasakay ko na sa kalesa. Hindi mailarawan ang kasiyahan sa mukha.

(Itutuloy)

Show comments