^

True Confessions

Sadik (ika-75 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)

"’NAY, siya si Sadik. Mapapangasawa ko," sabi ni Tina sa ina. Si Trish naman ay nakayakap kay Tina.

"Alam ko na ang istorya, Tina," sabi ng matanda. Nakangiting tumingin sa akin. "Kinuwento na sa amin ni Tony."

"Totoo nga Tony?"

"Oo. Kasi hindi mo pala sila kinukuwentuhan man lang," sabi ko at nagtawa.

Umingos lamang si Tina at pagkaraan ay ipinagpatuloy ang pagpapakilala kay Sadik. Si Sadik ay agad namang inabot ang kamay ng ina ni Tina.

"Kamustah kah poh?"

Parang nagulat ang matanda sapagkat hindi akalaing nakapagsasalita nang putul-putol na Tagalog si Sadik.

"Mabuti po," sagot ng matanda.

"Ikaw Trish, kamustah kah nah?"

"Mabuti po."

"How old are you?"

"Ten."

"Asiarah?"


Napatunganga si Trish.

"Ashiarah is Arabic for ten," sagot ko naman para hindi malito si Trish at ang matanda.

"How is your study, Trish?"

"Very good po. I’m running for honor."

"True?"

"True po."

"Very good. You want to go with me in Saudi Arabia."

Napatingin sa ina si Trish. Tila nag-aalinlangan kung anong isasagot.

"I’ll ask my mom first."

"Ah okey. Mafi muskila."

Pagkaraan ng pagpapakilala ay nagyaya na si Tina na lumabas kami para kumain sa restawran sa Roxas Blvd. Naghanap kami ng restaurant na may Arabic food. Marami pala. Halos sa lahat ng restaurant pala may Arabic foods. Marami raw kasing mga Arabo na nagbabakasyon sa bansa.

Masayang-masaya kami habang kumakain. Tinitingnan ko si Sadik na nakasuot ng kulay kremang long sleeves at black pants. Kapag ganoon ang suot niya ay hindi halatang maperang Saudi. Magkatabi sila ni Tina habang kumakain. Nasa kanan ni Tina si Trish. Katabi ni Trish ang lola niya. Magkatabi kami ni Susan at kalong ang aming anak. Masayang-masaya kami. Walang patid ang kuwentuhan. Sagana sa pagkain.

Pagkatapos kumain ay nagyaya si Tina na mamasyal sa Baywalk. Si Trish ang guide namin sapagkat nakapunta na raw pala ito roon kasama ang mga kaklase minsang mag-tour ang klase.

"Sige ikaw ang aming guide at babayaran ka ng 100," sabi ni Tina sa anak.

"One hundred pesos?" sagot ni Trish.

"One hundred dollar."

Napalundag si Trish sa tuwa.

(Itutuloy)

IKAW TRISH

MAGKATABI

MARAMI

MASAYANG

ROXAS BLVD

SADIK

SI TRISH

TINA

TRISH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with