Sadik (72)

(Kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)

SA isang 5-star hotel na pinakamalapit sa NAIA kami tumuloy. Sa aming pagtataka ay kumuha si Sadik ng sariling suite at kami namang apat (Tina, Susan aming anak at ako) ang nasa katabing suite. Si Sadik daw ang bahala sa lahat. Wala kaming dapat alalaha-nin. Hindi makapaniwala si Tina na ganoon ang mangyayari sapagkat usapan nang si Sadik lamang ang talagang titira sa hotel at kami ay bahala nang maghanap nang mas mura-mura.

"Mafi muskila," sabi ni Sadik. "Cater fulos..." at saka nagtawa. "Di bah, Antonioh?"

"Aiwa Sadik."

Talagang walang problema sa pera sapagkat sa palagay ko, hindi kayang ubusin ni Sadik ang perang kita sa kanyang farm at sa gatas ng kamelyo. Bukod doon ay may iba pa siyang pinagkakakitaan. Simple nga lamang mamuhay si Sadik at hindi halatang pal-do ang bulsa. Hindi naman talaga aakalaing maya-mang Saudi sapagkat Negro at hindi magandang lalaki.

Kinabukasan ay inu-tusan ako ni Tina na pumunta sa kanila sa Novaliches para sunduin ang kanyang anak. Pilit kasing kino-kontak ni Tina sa telepono pero laging busy. Duda niya ay sira ang phone. Ibinigay niya sa akin ang sketch.

Maaga pa lamang ay umalis na ako sa hotel. Gustong sumama ni Sadik pero tumanggi ako. Sabi ko’y malayo ang aking pupuntahan.

Mabilis akong nakarating sa Novaliches at na- kita ang bahay ng nanay ni Tina. Nasa isang subdibisyon sila. Bunggalow ang bahay. Nag-tao po ako. Isang may edad nang babae mga mahigit 60 anyos ang lumabas.

"Kaibigan po ako ni Tina. Magkasama po kami sa Riyadh."

Matapos marinig ng babae na kasamahan ko sa Riyahd si Tina ay napangiti ito.

"Ay pasok ka! Halika! Pumasok ako.

"Halika rito sa loob."

Malinis sa salas at maraming kasangkapan. Maganda ang sopa. Pinaupo ako. Itinapat ang electric fan sa akin.

"Pinasusundo po ni Tina ang kanyang anak. Nasa hotel po sa Pasay si Tina."

Biglang napaiyak ang matanda. Saka nakita ko na may lumabas na dalagita sa kuwarto. Maganda. Kamukha ni Tina. Lumapit ang dalagita sa matanda.

"Bakit Lola?"

"Nasa hotel daw ang mama mo at pinasu-sundo ka."

"Ay dumating na si Mama! Makikita ko na si Mama!"

(Itutuloy)

Show comments