Sadik (71)
January 5, 2007 | 12:00am
(Kasaysaysan ni Tony Z. ng Riyadh)
EKSAKTONG isang taong gulang ang aming anak nang matuloy ang bakasyon namin sa Pilipinas. Iyon ang isa sa pinakamasayang ba-hagi sa buhay namin ni Susan sapagkat kasama sa aming pagbabakasyon sina Sadik at Tina. Patungo pa lamang kami sa King Khalid International Airport (KKIA) ay masayang-masaya na kami habang nakasakay sa isang taxi. Ako ang nasa unahan at nasa likuran naman sina Susan, Sadik at Tina. Kalong ni Tina ang aming anak. Hindi na namin ginamit ang sasakyan ni Sadik sapagkat problema pa kung sino ang magda-drive pabalik. Ikinandado naming mabuti ang bahay at baka mayroong makasalising magnanakaw. Isang buwan ang aming bakasyon pero sabi ni Sadik, kung gusto raw naming mag-extend ni Susan ay sabihin lamang sa kanya para maayos kaagad sa Saudi Embassy sa Manila.
Kakaunti lamang ang papauwi sa Pilipinas ng panahong iyon sapag- kat Hulyo. Tag-ulan sa Pilipinas at sa Saudi naman ay summer. Sabi ni Sadik, sabik daw siya sa ulan. Bihira naman kasing umulan sa Saudi na karaniwang nangyayari kung Nobyembre o Disyembre at karaniwang ang ulan ay may kasamang hail o malalaking tipak ng yelo.
Habang nasa eroplano ay pinag-uusapan nina Sadik at Tina ang kanilang mga gagawin sa pagpapakasal. Hindi naman bongga ang kasalan sapagkat ang gusto lamang ni Tina ay sa huwes. Magkakaroon ng kaunting kainan sa isang karaniwang restaurant na malapit sa city hall o munisipyo.
Sabi ni Tina noon, gusto niyang dalhin sa Puerto Galera o sa Boracay si Sadik. Balak din daw niya sa Baguio.
Nang bumaba ang eroplano sa NAIA ay eksaktong alas nuwebe ng umaga. Nakalabas kami sa airport ay alas diyes na.
"Sa hotel tayo tutuloy," sabi ni Tina.
Hindi namin inaasahan iyon. Ang akala ko tutuloy kami sa bahay ng nanay ni Tina sa Novaliches.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended