Sadik (ika-67 na labas)
January 1, 2007 | 12:00am
(Kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)
HINDI malaman ni Tina kung paano ang gagawing pag-istima sa amin ni Sadik. Hindi mapag-isipan kung saan ilalagay ang plastic bag na may prutas na dala ni Sadik para sa kanya. Siguroy labis ang pagtataka sapagkat ngayon lamang siya nakakita ng Arabo na may bitbit na pasalubong sa babae. Sa tagal na rin marahil ni Tina dito sa Riyadh ay kabisado na niya ang ugali ng mga Saudi na hindi malalambing at mahilig lamang sa pakikipagtalik.
"May sakit ka raw Tina kaya ka naming dinalaw ng aking kaibigan, di ba Sadik?" tinapik ko sa balikat si Sadik.
"Aiwa. Mabutih nah katawan moh Tinah?"
"O kita mo at nananagalog na ang kaibigan ko. Talagang nagwo-worry siya dahil hindi ka pumasok."
"Okey na ako Sadik. Actually, medyo masama lang ang pakiramdam ko. Sobra na siguro ang trabaho."
"Masamah yan. Dahpat magrelax," sabi ni Sadik na nakangiti.
"Oo nga Tina. Masyado ka kasing masipag. Kaya mula ngayon, magpahinga ka sa bahay at dalalawin ka na lamang dito," sabi ko at binuntutan ng tawa.
"Sige maupo na kayo at maghahanda ako ng meryenda. Ano ba ang gusto nyong dalawa?"
"Ako kahit ano?"
"Ikaw Sadik?"
"Kahit anoh okey lang sah akin. Mafi muskila."
"Okey diyan muna kayo at magpeprepare ako."
Naiwan kaming nagkukuwentuhan ni Sadik sa salas. Tinanong ako ni Sadik kung paano ba ang ginagawa ng lalaki para mapasagot ang Pinay. At uso raw ba sa Pilipinas ang sinasabing dowry. Sa Saudi Arabia kasi ay kaugalian na sa mga lalaki ang magbigay ng dowry sa magulang ng babae. Hindi maaaring maikasal kung walang dowry.
Sinabi kong walang dowry maliban na lamang kung ang mapapangasawa ay sumusunod sa kaugaliang ito. Pero sa palagay ko naman si Tina ay hindi rin naniniwala sa tradition na iyon.
Itinanong ko naman kung bakit niya naitanong ang tungkol sa dowry. At sa pagkabigla ko, sinabi niyang gusto niya si Tina. Mahal niya ito.
"Hindih akoh nagbibiroh, Antonio," sabi nito sa mababang boses. Ako naman ay nakikinig sa kanya. Seryoso talaga siya sa sinasabi. Bagamat mata- gal na kaming magka- sama at lagi rin namang nagbibiruan, kakaiba ngayon ang tono ng kanyang boses. At nagpapahiwatig na tulungan ko siyang magtapat ng pag-ibig kay Tina. Inamin niyang mahi- na siya sa pagtatapat sa babae. Naisip ko, magkatulad pala kami ni Sadik. Noon bago ako nakapagtapat kay Susan ay ilang beses akong nag-urung-sulong. Hindi ko malaman ang gagawin.
"Please, Antonio, help me. Puwedeh?"
"Ikaw pa e friend kita. Dont worry at ako ang bahala. Stay ka lang diyan at ako na ang gagawa ng lahat ng gusto mo."
"Shokran, Antonio. Shokran cater."
Naramdaman namin ni Sadik na papalapit na sa amin si Tina. May dala sa tray. Tumayo ako at kinuha ang dalang tray. Mabigat iyon dahil ang laman ay iced tea at mga cookies na halatang siya ang nagbake. Bigla tuloy akong nauhaw dahil nagpapawis sa pitsel ang iced tea. Ibinaba ko ang tray sa mesitang nasa harap ni Sadik.
"Kain na kayo, Tony, Sadik " anyaya ni Tina at sinalinan ng iced tea ang dalawang baso.
"Sige na. Kain na."
Kumain kami ni Sadik. Hindi pa nauubos ang kinakain kong cookies ay sinabi ko na ang dapat sabihin kay Tina. Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa.
"Tina, may gusto sa iyo tong kaibigan ko kaya lang ay nahihiya. Mahal ka raw niya. Handa ka raw pakasalan."
Hindi nakapagsalita si Tina. Hindi makatingin kay Sadik. Si Sadik man ay hindi makatingin kay Tina. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended