Sadik(64)

(Kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)

INIHATID namin ni Susan si Tina sa gate. Si Sadik ay naiwan sa loob at naghahanda para sa salah o pagdarasal.

"Tina, mukhang masama ang tama ng kaibigan namin sa iyo."

"Naku ha, intriga ‘yan."

"Mukha kasing nagkakaintindihan na kayo. Lagi kayong nag-uusap."

"Tigilan n’yo ako ha, Tony, Susan."

"Wala namang masama kung kayong dalawa, Tina. Hiwalay ka na naman sa asawa. Siya man ay hiwalay din."

"Ano hiwalay din siya?" nakamulagat si Tina nang malaman iyon.

"Hindi ba niya kinukuwento sa’yo Tina?" tanong ko.

"Hindi."

Ikinuwento ko nang mabilisan ang tungkol kay Sadik.

"Iyon pala ang kuwento niya," sabi ni Tina.

"E di puwede na siya?" tanong ni Susan.

"Tumigil ka ha?"

Nagpaalam na si Tina.

Kinabukasan ay hindi siya nagpunta sa bahay kagaya ng pangako kay Sadik. At sa pagtataka namin ni Susan, si Sadik ang nagyaya sa ospital na pinaglilingkuran ni Tina.

"Ayos na!" sabi ko kay Susan.

"Mukhang tuloy na ito," sagot ni Susan.

(Itutuloy)

Show comments