Sadik (ika-62 na labas)

(Kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)

MALAKI ang nursery at kumpleto sa mga kagamitan doon. Maraming sanggol. Napansin kong magkakamukha ang mga sanggol.

Sinenyasan kami ng isang attendant na umi-kot sa kabilang gilid. Nandoon daw ang aking anak. Sumunod kami sa utos ng attendant at umikot sa kabilang gilid. Excited akong makita ang aking anak.

Nakita namin na itinutulak ng attendant ang tila stainless na kahon na kinaroroonan ng aking anak. Hanggang sa makalapit sa aming kinaroroonan. Binuksan ang nakatabing na kumot sa kinalalagyan ng aking anak. At sa unang pagkakataon ay nasilayan ko ang anak. Guwapo, maputi at napaka-itim ng buhok. Ang mga munting daliri ay nakakuyom na parang laging isusubo sa bibig. Napaka-pula ng kanyang palad at ang pisngi ay mala-rosas.

"Ay ang cute niya Tony," sabi ni Tina na dahil maliit na babae ay kailangan pang tumingkayad para makita nang bung-buo ang aking anak.

"Kuwais, Antonio," sabi ni Sadik na dahil sa katuwaan ay nakaakbay sa akin habang pinagmamasdan ang aking anak.

"Handsome, Antonio."

"Shokran Sadik. He is handsome because I am handsome," sabi kong nagtatawa.

Tinampal ako ni Sadik sa balikat.

"Mabsot, Antonio. Maybe he is lucky because…"

"Because what?"

"Because he has res- ponsible and industrious parents…"

"Thank you Sadik. Thank you very much.

Apat na araw ang inilagi ni Susan sa ospital.

Nang ilabas namin siya ng hapong iyon ay nagkaroon kami ng kaunting-salu-salo sa aming bahay.

Si Sadik ang sumagot ng gastos. Para raw sa prinsipe iyon. Nagtawa- nan kami. Wala kaming pagsidlan sa katuwaan ni Susan.

(Itutuloy)

Show comments