^

True Confessions

Sadik (ika-52 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)

MABILIS akong sumu-god sa comfort room at binuksan ang pinto. Nakita ko si Susan na nakatungo sa tapat ng inidoro at nagdududu-wal. Para bang lasing na nagsusuka.

"Susan, anong nangyayari sa iyo?"

"Ummmm… huuuwark!"

Hinagod ko ang likod ni Susan. Walang tigil sa pagduwal.

"Ano, masakit ang tiyan mo?"

Umiling.

"Baka hindi ka natunawan ng kinain nating tupa kagabi. Marami kang nakaing kibab."

"Huwwwaarkkk!"

Hinagod ko uli. Naaawa ako kay Susan, Ngayon lamang nangyari sa kanya ang ganoon na grabe ang pagsusuka. Baka kaya "nagahoy" o "nabales" siya. Sa aming probinsiya ang nagsusuka, masakit ang tiyan at pinagpapawisan nang malamig ay napag-sususpetsahang "nagahoy" o "nabales".

Hinipo ko naman ang noo niya kung pinapawi- san nang malamig. Hindi naman.

"Masakit ang ulo mo?"

Umiling at pagkatapos ay nagbanta uli ng pagduwal pero napigil.

"Dalahin na kaya kita sa ospital?"

Umiling.

"E anong gagawin ko?"

Dumuwal uli si Susan.

"Ano Susan, gigisingin ko si Sadik at magpapaalam. Sasabihin ko na dadalhin kita kahit sa cli- nic diyan sa kanto. May clinic diyan."

Hindi sumagot si Su-san. Hindi ko alam, nagising na pala ng mga oras na iyon si Sadik. Maghahanda na siya sa pagdarasal ng alas kuwatro ng umaga. Unang salah nila.

"Kaefa halek, Antonio?"

Sinabi kong nagdudu-wal si Susan. Hindi naman masakit ang tiyan.

"Arju anta mustaspha."

Dalhin ko raw sa ospital o klinika. "Asre, Antonio."

Bilisan ko raw.

Mabilis akong lumabas at inihanda ang sasakyan. Ipinarada ko sa tapat ng main door. Binalikan ko si Susan. Inakay ko siya palabas sa banyo. Nang lalabas na kami ay iniabot ni Sadik ang abaya ni Susan, Ipinatong ko iyon sa damit ni Susan. Lumabas na kami.

Hindi ko akalain na si Sadik pa ang magmamaneho patungo sa clinic. Sabi ko’y ako na. Kaya ko naman.

"Mafi muskila."

Hinayaan ko na. Mabilis pero maingat na nagdrive si Sadik.

Habang inaalalayan ko si Susan ay lumilingon pa si Sadik sa amin na nag-aalala rin sa kalagayan ng aking asawa.

(Itutuloy)

ANO

ANO SUSAN

ARJU

HINAGOD

MABILIS

SADIK

SUSAN

TONY Z

UMILING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with